– Binahagi ni Mark Andrew Yulo, ama ng 2-time Olympic Gold medalist na si Carlos Yulo ang video niya habang siya ay nagbibisikleta
– Makikita ang kanyang video na may background music na Rythm of The Rain na pinasikat ng grupong The Cascades
– Umani ng mga komento ang video na ito ng kanyang binahagi kabilang na ang pang-uugnay ng post niya sa anak nitong si Carlos
– Sa kabila ng pangbabatikos ay nanatiling positibo lang ang naging sagot ni Mark Andrew sa mga komento
Ibinahagi ni Mark Andrew Yulo, ama ng 2-time Olympic Gold medalist na si Carlos Yulo, ang isang video sa social media kung saan makikita siyang nagbibisikleta habang tumutugtog ang “Rhythm of The Rain” ng grupong The Cascades bilang background music.
Mark Andrew Yulo, sinagot ang bumatikos sa pagpost niya ng kanyang pagbibisikleta Source: Facebook
Agad na umani ng iba’t ibang reaksyon ang naturang post, kasama na ang mga komento na inuugnay ang kanyang pagbibisikleta sa relasyon nila ng kanyang anak na si Carlos.
Isa sa mga komento ng netizen ay nagsabing hindi na umano babalik si Carlos sa poder ng kanyang mga magulang dahil sa umano’y pagiging “toxic” ng mga ito. Tinawag pa ng netizen na ang tanging alas ng pamilya ay ang pagpapakita ng “pavictim card” para kaawaan sila. Sa kabila ng mabibigat na akusasyon, nanatiling kalmado at positibo ang naging tugon ni Mark Andrew, na sinagot lamang ang komento ng “God bless you po.”
Mark Andrew Yulo, sinagot ang bumatikos sa pagpost niya ng kanyang pagbibisikleta Source: Facebook
Isa pang netizen ang naghayag ng awa para kay Carlos, na aniya’y minalas umano sa mga magulang kahit na swerte na sana sa talento. Tumugon si Mark Andrew ng maikli ngunit puno ng pasasalamat, “Salamat 💕🙏,” na nagpakita ng kanyang pagpapanatili ng kapayapaan sa gitna ng mga pangbabatikos.
Sa kabila ng mga negatibong komento, pinili ni Mark Andrew na manatiling mahinahon at hindi na pumatol pa sa mga bumabatikos, isang hakbang na umani rin ng papuri mula sa ibang netizens na nakasaksi ng naturang palitan ng komento.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.
Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load