Nagbigay ng diretsahang sagot ang nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose matapos mapansin ang isang komento mula sa netizen na nagtanong kung bakit tila hindi siya nagsusuot ng bra. Sa kanyang Instagram post, napansin ng isang netizen ang suot ni Chloe at nagkomento ng, “Di uso bra?”

Sa halip na mapikon o mainis, sinagot ni Chloe ang komento ng netizen ng matapang at prangkang pahayag: “WALA PO PAMBILI.”

Mabilis na kumalat sa social media ang sagot ni Chloe San Jose, at marami ang namangha sa kanyang pagiging straightforward at hindi pagiging pikon sa naturang komento. Ang kanyang simpleng ngunit matapang na tugon ay umani ng suporta at papuri mula sa kanyang mga tagahanga at sa iba pang netizens na tila natuwa sa kanyang sagot.

Dahil sa kanyang viral na sagot, bumuhos ang iba’t ibang reaksyon ng netizens na nagpahayag ng paghanga kay Chloe sa kanyang pagiging totoo at hindi pagpatol sa mga mapanghusgang komento. Marami ang nagsabing hanga sila sa pagiging palaban ni Chloe at sa pagiging confident sa sarili.