Ang kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ay muling nagpahayag ng kanyang personal na opinyon patungkol sa isyu ng “utang na loob” ng mga anak sa kanilang mga magulang. Sa isang candid na mensahe na kanyang ibinahagi sa social media, tinalakay ni Ogie ang kanyang pananaw ukol sa responsibilidad ng mga anak sa kanilang mga magulang, isang paksang karaniwan nang napapag-usapan sa maraming pamilyang Filipino.
Ayon kay Ogie, madalas niyang pinapaalalahanan ang kanyang mga anak na mag-aral nang mabuti upang maging independent. Para sa kanya, ang edukasyon ay hindi lamang para sa kapakinabangan ng mga magulang, kundi higit sa lahat, para sa kinabukasan ng mga bata.
“Lagi kong sinasabi sa mga anak ko, mag-aral mabuti. Hanggang sa makatapos. Hindi para sa amin ng mama nila, kundi para sa future nila. Para hindi sila naasa lang sa mga magulang,” ani ni Ogie.
Ibinibigay ni Ogie ang gabay na ito sa kanyang mga anak upang matulungan silang maging handa sa hinaharap at magkaroon ng sariling kakayahan na makapagdesisyon at tumayo sa sarili nilang mga paa. Ang edukasyon, para kay Ogie, ay ang magiging susi para hindi umasa ang kanyang mga anak sa kanilang mga magulang habang sila’y lumalaki.
“Yung pagtanaw ng utang na loob? ‘Yung ‘ako naman ngayon, nay, tay’? Depende na yan sa bata in the future. Lalong depende ‘yan kung paano mong pinalaki at hinubog ang mga anak mo para balikan ka nila at tumanaw,” paliwanag niya.