Sharon on KathDen: “…parehong super mabait na mga tao.”

Katulad ng ilang fans, umaasa rin si Megastar Sharon Cuneta sa posibilidad na magkatuluyan sa totoong buhay ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at Kapuso actor na si Alden Richards.

Sharon Cuneta admits shipping Kathryn and Alden loveteam

Si Sharon ay kilalang malapit sa dalawa.

Parehas niyang nakasama sina Kathryn at Alden sa magkahiwalay na proyekto, kunsaan siya gumanap na nanay ng mga ito.

Si Kathryn sa pelikulang Three Words To Forever noong 2018, at si Alden naman sa Family of Two noong 2023.

Sa panayam ni Sharon sa ABS-CBN On Cue nitong July 3, 2024, nausisa siya ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe kung naniniwala siyang may espesyal na relasyon sina Kathryn at Alden.

Sharon Cuneta makes teleserye comeback with ABS-CBN

Photo/s: Screengrab @ABS-CBN News YouTube

Hirit na sagot ni Sharon, “Ayokong magsabing oo, pero tawagan ko si Alden mamaya.

“Nahihiya [kasi] akong magsabi ng ‘Anak, kayo na ba?’

“Pero nag-message ako sa kaniya, [sabi ko] ‘Anak, kung totoo yan napakasaya ko.'”

 

SHARON PRAISES KATHRYN AND ALDEN

Anuman daw ang kahantungan ngayon ng kanilang samahan ay naniniwala raw si Megastar na deserve nilang maging masaya.

 

Kilala raw kasi niyang mababait at mapagmahal sina Kathryn at Alden kaya naman anuman ang mangyari ay susuportahan daw niya ang mga ito.

Saad ni Sharon: “Nakatrabaho ko na silang dalawa at parehong super mabait na mga tao.

“Kathryn was my daugther in Three Words To Forever ni Goma [Richard Gomez], siya yung anak namin.

“Totoo yung sinasabi ng Star Cinema na napakabait ni Kathryn, totoo naman.

“She’s so deserving of everything she has received. Her stardom, her status, because she’s one of the best people I’ve ever met.”

Dagdag pa niya, “And then Alden, the same. The very same words. So, I cannot contain my excitement.”

 

Boto naman ba si Sharon sa posibilidad na relasyon nina Kathryn at Alden?

Sagot niya, “Oo naman [boto ako]. Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa’t isa, talaga naman.

“Alam mo naman si Mama, kung kailangan, magpagawa ako ng tarpaulin.”

KATHRYN AND ALDEN RUMORED ROMANCE

“KathDen” ang tawag sa nabuong tambalan nina Kathryn at Alden matapos nilang pagbidahan ang box-office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019 na ngayon ay magkakaroon na ng sequel—ang Hello, Love, Again.