Gerald Anderson says Joshua Garcia’s ex-girlfriend will be his last

Gerald Anderson on marriage to girlfriend Julia Barretto

Hindi na nalalayo ang panahong ikakasal ang aktor na si Gerald Anderson, 34.

Ito ang sinabi mismo ni Gerald nang matanong ni Korina Sanchez, sa programang Korina Interviews na umere sa Net25 kahapon, March 19, 2023, kung kailan siya ikakasal.

Sunud-sunod na tanong ni Korina: “Kailan ka ikakasal? Ikakasal ka na ba? Ninerbiyos ka? Nanlalamig ka yata?”

Nakangiting sagot ng 34-year-old actor: “Di naman, di naman po. You know, everything na ginagawa ko ngayon is because alam ko naman na malapit na yun, e.

“Hindi naman ako, kumbaga, yung 25-year-old na, ‘Di, trabaho muna ako, career muna ako.’

gerald anderson on FemaleNetwork.com

“You know, honestly, generally lahat ng ginagawa ko sa career ko, sa show business, sa pagiging businessman, is leading up to that point.”

Diretso namang tinanong ni Korina ang aktor kung ang girlfriend ba nitong si Julia Barretto, 26, ang babaeng pakakasalan niya.

Tanong ng veteran broadcaster: “So, it’s gonna be Julia, you think? Di mo masabi?”

Paniniguro ni Gerald: “No, siya talaga.”

Ano ang dahilan bakit nagwo-work ang relasyon nila ni Julia?

Saad ni Gerald, “Alam mo, you just know, alam mo na, e. You feel na may nagbabago sa yo.

“You feel na nag-iiba or mas nag-iiba yung priorities mo or mas naging malinaw sa yo yung priorities mo.

“Alam mo yung kasabihan na ‘You just know.’ Ang hirap mag-explain, e, iba yung feel. Iba yung feel.”

Ayon naman kay Korina, parang proposal na ang mga sagot ni Gerald.

Tanong ni Korina: “That sounded like a proposal to me. Are you engaged?”

“Ah, hindi po,” tanggi ni Gerald.

HANDLING BASHERS

Simula nang maugnay sina Gerald at Julia noong 2019, hindi na sila tinantanan ng bashers.

Paano hina-handle ni Gerald ang bashing sa relasyon nila at maging sa kahit anong paksa patungkol sa kanya?

Saad ng aktor, “Honestly po, alam ko na medyo cliché siya pakinggan, but that negative energy, I use it and I turn it into positive energy na it takes me so far.

“Ewan ko kung may sense yun, but I’ve lasted this long also dito sa industriya natin because of, siyempre yung supporters, but because of people saying, ‘I can’t do something,’ or ‘Hindi ko kaya to,’ or ‘Hindi ako magaling diyan,’ o ‘Hindi ito para sa kanya.’

“Ewan ko, medyo weird ako but that energy na yan…

“And advice ko rin sa up-and-coming artists, huwag kayo matakot, or huwag bumaba yung pagkatao niyo because yun talaga ang uso ngayon—people will bash you talaga no matter kung anong ginagawa mo.”

Inamin ni Gerald ang relasyon nila ni Julia noong March 2021.