Kim Chiu, Paulo Avelino magdyowa level ang ganap sa block screening

Super hagulgol si Kim Chiu sa pelikula ni Vice Ganda, ang ‘And The Breadwinner Is…’.

Yes, hindi na nga nakapaghintay si Kim dahil nakipanood talaga siya sa block screening na in-organize ni Anne Curtis.

At siyempre, bitbit din ni Kim ang ‘boyfriend’ niyang si Paulo Avelino, ang partner niya sa ginagawa nilang pelikula na ‘My Love Will Make You Disappear’ na palabas na rin sa February 12, 2025.

Anyway, sabi nga ni Kim, tagos sa puso ang pelikula, na pakiramdam niya ay pinatatamaan din siya dahil aminado naman siyang breadwinner siya ng pamilya.

Pero, bukod sa block screening na yon ni Anne para kay Vice, na kung saan ay bitbit niya ang mga kaibigan, tulad ni Georgina Wilson, pamilya niya, magkakaroon din ng pa-block screening si Kim at siyempre, kasama niya si Paulo.

“Iba ka sa pelikulang ito. Congratulations! A winner indeed. Ang damo mong kayang gawin. Ang galing-galing-galing! Thank you for representing all the breadwinners sa pamilya lalo na sa pamilyang Pilipino. A movie you should not miss. Nood na sa mga sinehan!” sabi pa ni Kim kay Vice Ganda.

“Grabe Vice Ganda, wala na. Comedy. Horror. Drama. Grabe ang mga lines doon, na ang sakit niya, pinapatamaan niyo ba ako?

“Pero ‘yung iyak ko talaga, nagulat talaga ako, ang isang Vice Ganda ay nagpapaiyak pala!” sabi ni Kim.

Kim Chiu, Paulo Avelino begin filming 1st movie together | ABS-CBN  Entertainment

Super happy naman si Kim sa ginawa ni Anne para sa ‘sisteret’ nilang si Vice.

“Thank you ate Anne. Nakinood kami sa screening mo. Di na kami makapaghintay bukas,” sey naman ni Kim kay Anne.

Anyway, makikita sa mga naglabasang video kung paano kalambing sina Kim at Paulo sa isa’t isa, na kung nasaan ang isa, nandun din dapat ang isa.

Bongga! (Dondon Sermino)

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News