Sylvia Sanchez and Arjo Atayde Team Up for the Highly Anticipated Action-Drama Film ‘Topakk’

Isinilang na ang bagong action star sa katauhan ni Arjo Atayde. Kilala na magaling sa drama pero napakahusay rin pala sa action at ito ay napatunayan niya sa pelikulang ‘Topakk’.

Ang Topakk ay ang nag-iisang action movie sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival na showing na sa mga sinehan nationwide.

Isa sa producers ng pelikula ay ang magaling na aktres na si Sylvia Sanchez. Ipinagmamalaki niya ang kalidad at ganda ng pelikula kaya nananawagan siya ng suporta na panoorin ito.

Sylvia no stage mother to Arjo | Philstar.com

“Topakk po, please panoorin niyo… kasi kung ito ay hinangaan at pinalakpakan sa ibang bansa, bakit hindi kayang hangaan at palakpakan sa sariling bansa natin, hindi ba? Basta kailangan lang talaga na mapanood ito ng mga tao.”

“So sulit po ang panonood ninyo ng Topakk, hindi lang ito action, hindi lang siya action, may drama, for family. Like ngayon na marami ang nagsa-shout out na maganda talaga ang pelikulang Topakk, iyon lang po masaya na ako, so nagpapasalamat ako sa lahat,” dagdag nito.

Base na rin sa magagandang feedbacks at reviews ng pelikula ay hindi kataka-taka na makakapag-uwi ito ng award sa Gabi ng Parangal mamayang gabi.

Bukod kay Arjo, tampok din sa pelikula sina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto at marami pang iba. (Rodel Fernando)

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News