Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre paligsahan ng husay sa ‘Uninvited’

Hindi mabibigo ang mga nagnanais na panoorin ang pelikulang “Uninvited” na kalahok sa nagaganap na 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Palung-palo ang paligsahan sa acting ng Star for All Seasons na si Vilma Santos, Aga Muhlach at maging si Nadine Lustre.

Napanood na namin ang pelikula sa special screening ngayong hapon, December 25, sa Gateway, at sa bawat matitinding eksena ng tatlo halos tumigil ang tibok ng puso namin sa magkakahalong emosyon.

Isa itong drama-thriller na mas matindi pa sa horror ang mga hindi inaasahang eksena, dulot ng mga ibinibigay na acting ng tatlong bida.

Sa pelikulang ito, pinagsama-sama ang klase ng kakayahan ni Ate Vi sa pag-arte, na halos hindi mo gugustuhing pumikit dahil baka ma-miss mo ang kanyang galing.

Kasuklam-suklam naman ang karakter ni Aga Muhlach na walang kapantay sa kahayupan.

Hindi rin nagpakabog si Nadine na nakakaloka ang husay lalo na sa isa major highlight ng pelikula.

Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre to headline upcoming movie ' Uninvited' | ABS-CBN Entertainment

Grabe rin ang kontribusyon nina Ketchup Eusebio, RK Bagatsing, Cholo Barretto, Mylene Dizon, Lotlot De Leon, Elijah Canlas at Gabby Padilla.

Kaliwa’t kanan ang murahan sa pelikula pero maiintindihan dahil sa pagkakaroon ng “toxic” sa kuwento.

Para lang magkaroon kayo ng ideya kung ano ang kuwento, ginagampanan ni Vilma ang role ng isang nanay na nawalan ng anak.

Pinagplanuhan ni Ate Vi ang maghiganti at sa pagpasok niya sa party ni Aga, papasok na ang samut-saring conflict, pinagmulan ng kanyang ngitnit at kung bakit humantong si Nadine sa sitwasyong ikababaliw niyo.

Ang pelikula ay dinirehe ni Dan Villegas, na prinudyus ng Mertorque Productions at Project 8 kasama rin ang Warner Bros Pictures. (Rey Pumaloy)

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News