Coco Martin and Ivana Alawi: The Shocking Truth About Their Lack of Communication Before the Split

Coco at Ivana, hindi na masyado nakapag-usap bago nagkahiwalay

Ivana Alawi at Coco Martin

Ikinalungkot ni Coco Martin ang pagkawala ng karakter ni Ivana Alawi na si Bubbles sa  FPJ’s Batang Quiapo. Kinailangang magpaalam ng aktres sa serye dahil sa ilang mga trabaho. “Malungkot kasi siyempre tagal din naming nakasama si Ivana, almost one year. Kumbaga parang pamilya na ‘yung turing namin sa kanya. Tapos napakabait niya eh. Sobrang laki na ng naiambag ni Ivana sa show. Sobra-sobra ‘yung karakter ni Bubbles. Ang hinihingi ko lang sana nag-enjoy siya. At sana huwag siyang magsawa na makatrabaho ulit ako,” nakangiting pahayag ni Coco sa ABS-CBN News.

Tatlong buwan lamang dapat ang magiging partisipasyon ng aktres sa programa noong isang taon. Mas gumanda ang takbo ng istorya ng serye dahil sa naging ugnayan ng mga karakter nina Bubbles at Tanggol na ginagampanan naman ni Coco. “Hindi naman namin akalain na gaganda nang gaganda ‘yung role at ‘yung kwento namin eh, humaba nang humaba. Siyempre nakakalimutan namin, si Ivana marami siyang mga commitments eh. May mga show pa siya gagawin, may vlog siya. Kaya kinailangan na niya magpaalam, wala naman akong magawa. Naiintindihan ko siya kasi artista rin ako eh. May mga commitments ka na kailangan mong gampanan at baka mamaya magkaproblema. Kaya naman namin ito, sanay na kami diyan. No’ng ‘Probinsyano’ pa, mara­mi nang ganitong cases na nangyari.” pagbabahagi ng aktor at direktor ng serye.

Maayos na nakapagpaalam si Ivana kay Coco. Noong huling araw ng taping ng aktres ay hindi raw masyadong nakapag-usap ang dalawa ayon kay Coco. “Hindi nga kami nag-uusap. Kasi ayokong pag-usapan about sa pag-alis. Nag-uusap kami as a normal, masaya, nagtatawanan lang kami,” kwento ni Coco.

Maymay, may English song na

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon ang buong grupo ng ASAP Natin ‘To. Masayang-masaya si Maymay Entrata dahil napabilang sa mga artistang nakapagtanghal para sa ASAP Natin ‘To sa California. “I am always excited every time I go perform outside the Philippines. I am happy that I’m able to collab, performing with Fil-Am artists here in the U.S. I’m excited about it po talaga they’re so talented.  I’m going to release ‘Amakabogera’ English version. I am going to launch it dito sa California,” paglalahad ni Maymay.

Mapapanood sa mga susunod na Linggo ang espesyal na episode ng programa na ginanap sa Amerika. Bukod sa English version ng Amakabogera ay isang bagong kanta pa ang nakatakdang ilunsad ni Maymay para sa mga tagahanga. “I am going to release a new song po in ASAP Natin ‘To California. This is my first English song. This is one of the singles that I’m going to release po this year. Hopefully there’s more,” dagdag pa ng dalaga

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News