ATTACK kung attack na naman ang mga haters ng magdyowang sina Carlos Yulo at Chloe San Jose dahil sa mga bagong sweet photo ng dalawa sa social media.
Talagang ayaw pa rin tantanan ng mga bashers until now ang 2-time Olympic gold medalist ng Pilipinas at ang kanyang controversial girlfriend.
Nakakaloka ang mga banat ng netizens nang bumalandra sa socmed ang mga paandar na litrato nina Carlos at Chloe na kuha sa isang charity gala night recently.
“Red hot night with my red hot date,” ang short caption ni Chloe sa kanyang IG post.
May mga nagkomento naman ng magaganda at positibo sa cheesy photo ng magkarelasyon pero mas marami pa rin ang nambasag sa kanila at hinihgan pa ng paliwanag kung bakit hindi man lang sila tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Hindi namin sure kung talagang dedma lang sina Chloe at Carlos sa paghagupit ni Kristine sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kung saan libu-libong kababayan natin ang naapektuhan.
Baka naman kasi tahimik lamang na tumutulong ang magdyowa kaya hindi ito nalalaman ng publiko. Sabi nga sa “Eat Bulaga” — bawal judgmental!
Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng ating mga ka-Marites sa latest photos nina Carlos at Chloe na in-upload sa official Facebook page ng BANDERA.
“Binabaha sila ng publicity baka nmn gusto nyo tumulong sa mga nasalantaa ng bagyo. kababayaan nyo rin sila.”
“Daming d mka move on.. sobra affected ang mga life nila… problema nila d nila makita sa own territory nila…. ayaw nilang makakita ng masaya.”
“Dami nabahaan bka gusto nila bawasan Ari arian napanalunan nila.”
“Salamat dok..infairness ganda pagkagawa sa ilong bagay sa kanya.”
“Hahaha mga tao naha highblood na naman.. tumahimik lang sila saglit ng dumating si typhoon kristine.. ngayon balik socmedia ulit.”
“Lovebirds pa yan kasi may pera pa. Tignan mo pag naubosan, diba Love hurts ang kalalabasan niyan.”
“Paki nmin sa inyo matutuwa p kami sa inyo kng Marunong kau tumulong sa kapwa nyo.”
“C Caloy daming napanalunang pera bahay etc champion talaga pero c Chloe mas champion cya nanalo ng tao may pera at kung ano ano pa kaya kung c Caloy 2 gold medalist c Chloe ay 4 medalist may lover boy may pera may bahay may kotse at marami pang iba pero wag kayong umasa kc magulang nga d yata na bigyan mga nasalanta pa ng bagyo ang mabibigyan ay sorry nman. pero thank you kung nagbigay.”
“Ni wala pa itong nai donate sa mga nasalanta na mamamayan Pilipino share your blessings mo naman hindi puro dyan sa nobya mo share ka rin sa magulang mo gumaya ka kay Manny Pacquio madaming matutuwa sa iyo.”
“Nagkagulo na naman ang mga mababait at walang bahid dungis.”
“Kahit ano gawin talagang hindi sila swak sa banga!”
“Di uunlad ang buhay mo boy, sa pagtakwil mo sa magulang mo at pamilya mo. Bagbagsak ka rin at iyan ang masakit na mangyayari sa buhay mo.”
“Dpat lng unahin nya pamilya nya dahil inuna din sya ng nanay nya..inuna syang itinakwil at isinumpa..inuna din syang ipahiya sa buong mundo kya dpat suklian nya din yon..unahin nya din mona nanay nya at pamilya nya.”
News
Are Julia Montes and Coco Martin New Parents? The Truth Will Be Revealed Soon!
Are Julia Montes and Coco Martin New Parents? The Truth Will Be Revealed Soon! Julia Montes and Coco Martin, two of the Philippines’ most beloved actors, have been at the center of rumors since they starred together in numerous successful…
SHOCK: Ang bastos na biro ni Vice Ganda ay nagpaluha sa ‘Showtime’ co-hosts sa live air
“It’s Showtime” mainstays were moved to tears in a prank by their co-host Vice Ganda, whose setup included an appreciation speech, with balloons, a bouquet, and a cake as props — only to be told he was merely asking for…
Coleen Garcia, HlNIMATAY ng MAKITA si Billy Crawford sa HULING PAGKAKATAON!
Isang emosyonal at nakakagulat na pangyayari ang naganap nang si Coleen Garcia ay nahimatay habang nakita si Billy Crawford sa huling pagkakataon. Sa isang pampublikong event, ang muling pagkikita ng mag-asawa ay nagdulot ng matinding damdamin, na nagresulta sa hindi…
OMG! Totoong Dahilan ng Paghihiwalay ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla!
Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa mundo ng showbiz ang balitang paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na kilalang-kilala bilang “KathNiel.” Ang kanilang relasyon, na umabot sa mahigit pitong taon, ay talagang naging inspirasyon sa marami, kaya’t ang balitang ito…
REBELASYON! Robin Padilla INAMING may ANAK si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo!
In a recent revelation that has taken the entertainment world by storm, action star Robin Padilla made a startling confession about his nephew, Daniel Padilla, and the latter’s long-time girlfriend and fellow actress, Kathryn Bernardo. Robin, known for his candid…
James Yap, Tuluyan nang Tinalikuran ang Anak na si Bimby Aquino na Makipagrelasyon sa Kapwa Lalaki!-A
Kamakailan lamang, umani ng malaking atensyon ang balita tungkol kay James Yap at sa kanyang anak na si Bimby Aquino. Isang kontrobersyal na pahayag ang lumabas kung saan sinabi ni James na tuluyan na niyang tinalikuran si Bimby matapos ang…
End of content
No more pages to load