Binabatikos ngayon ng mga LizQuen fans ng American-Filipino actress, Liza Soberano ang dating manager nitong si Ogie Diaz, matapos isiniwalat ng huli ang umano’y hiwalayan ng celebrity couple.
Matatandaan na sa isang episode ng Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz, ipinahayag niya ang balitang nakarating sa kanya mula sa isang source na tahimik nang naghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Pagbabahagi ni Ogie, nagsimula umano ang mga chika na baka hiwalay na ang dalawa sa mga nakaraang pahayag ni Liza kung saan hindi nito binabanggit ang pangalan ni Enrique.
Isa pa sa mga nagpapatindi sa mga speculations ay ang pahayag ni Liza Soberano tungkol sa mga loveteams. Kung saan sinabi niyang minsan ay napipilitan na lamang ipakita ng nasa iisang love team na mahal nila ang isa’t-isa upang sumaya ang kanilang mga fans.
“Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka wala na sila, dahil nga una, hindi niya pinagmamalaki ‘yung boyfriend niya. Kasi kung ano magpo-post ‘yan si Liza. Tapos nung birthday din ni Enrique, wala ring greeting online,” dagdag pa ni Ogie Diaz.
Isiniwalat din ni Ogie na nakarating sa kanya mula sa isang mapagkakatiwalaang source na tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa. Mas pinili ni Liza na mag-focus muna sa kanyang career programming.
“Ang nakarating sa’tin, si Enrique ‘yung nagpu-push pa na baka kaya pa, na posible pang ituloy. Pwede naman niyang i-allow si Liza kung gusto man ni Liza na tuparin ang kaniyang Hollywood dream, pero sila pa rin.”
“Kung totoo man na wala na sila Enrique at Liza, ang importante naman lagi sa isang relasyon nag-end up kayo as still friends. Kung hindi man friends, civil with each other.”
Ipinahayag din Ogie Diaz na si Liza talaga ang nagnanais na tapusin na nila ang kanilang relasyon.
“Who gave Ogie Diaz the right to speak up about this matter? It’s a basic act of human respect to exercise restraint from talking about sensitive matters in other people’s lives. Unless it’s fun to have that much of attention. Grow up, kid.”
“Whether its true or not, it’s not Ogie Diaz’s position to reveal Liza and Enrique’s relationship status. This is really disrespectful??”
News
Liza Soberano, Ikinagulat ng Mga Tagahanga sa Pagbubuntis Announcement Right After Surprise Marriage!
Sa hindi inaasahang pangyayari na ikinabigla ng mga tagahanga, si Liza Soberano, ang pinakamamahal na Filipino-American actress, ay nag-anunsyo lamang ng kanyang pagbubuntis sa ilang sandali matapos ihayag ang kanyang sorpresang kasal! Ang anunsyo ay nagpadala ng mga shockwaves sa…
Robi Domingo “Sana Mayroon Na Akong Anak”
Naging emosyonal si Robi Domingo sa kanyang ika-35 kaarawan, na kanyang ibinahagi sa isang birthday video sa kanyang Instagram account. Sa video, ipinaabot ng Kapamilya host ang kanyang mga saloobin at ang pagnanais na maging ama sa hinaharap, kasabay ng…
Marian Rivera Pinalitan Na Ang Pagiging Queen Of All Media Ni Kris Aquino? Sey ng netizen
Sa mga nakaraang linggo, hindi maikakaila ang popularidad ni Marian Rivera sa social media, kasunod ng sunud-sunod na pagkilala na kanyang natamo. Ang aktres ay tila naging sentro ng atensyon sa online platforms, at ito ay dahil sa aktibong suporta…
Liza Soberano “Wild Na!” Matapos Layasan Ang Talent Agency Na Careless Na Pag-Aari Ni James Reid!
Matapos ang pag-alis ni James Reid sa talent management na “Careless,” may bagong agency na agad na nakakuha kay Liza Soberano, ang dating Kapamilya star. Ayon sa isang post sa Instagram ng grupong “WILD,” na nakabase sa Singapore, sila na…
Ellisse Joson and Mccoy De Leon HIWALAY NA Mccoy NAHULI na MAY BABAE ni Ellisse!
Usap-usapan muli ang hiwalayan ng aktor na si McCoy De Leon at aktres na si Ellisse Joson matapos kumalat ang balitang umano’y nahuli si McCoy na may ibang babae. Matapos ang kanilang pagkakaayos at muling pagbubuklod bilang pamilya, tila nagkaroon…
Zanjoe Marudo NAGSALITA NA sa ANAK NILA ni Mariel Rodriguez PANO si Robin Padilla?
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz ang isyung may anak umano sina Zanjoe Marudo at Mariel Rodriguez. Ang naturang balita ay ikinagulat ng marami, lalo na’t si Mariel ay kasal kay Robin Padilla at mas kilala bilang masaya…
End of content
No more pages to load