Alden Richards and Kathryn Bernardo all set to shoot Hello, Love Again in Canada

Alden Richards on leading lady Kathryn Bernardo: “She’s very much excited to try new things kaya nakakatuwa na sa proseso na yun magkasama kami, of course, while doing this film.” 
PHOTO/S: @SPARKLEGMAARTISTCENTER / @BERNARDOKATH INSTAGRAM

Pinuri ni Alden Richards, 32, na posiitibo ang mga pagbabagong nakikita niya ngayon sa Hello, Love, Again leading lady na si Kathryn Bernardo, 28.

Ayon sa Kapuso actor, nag-mature si Kathryn at masaya siya na bahagi siya sa magagandang pagbabago na nangyayari sa kapareha.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa 40th Star Awards For Movies, na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University noong July 21, 2024.

“She’s more mature now. She’s very much excited to try new things kaya nakakatuwa na sa proseso na yun magkasama kami, of course, while doing this film.”

Lumipad papuntang Canada si Alden kagabi, July 27, 2024. Nauna nang dumating doon si Kathryn.

Sa Canada gaganapin ang shooting ng Hello, Love, Again, kung saan nagtatrabaho ang karakter ni Kathryn bilang Joy.

Hello Love Again script

Kathryn shows a snapshot of her script for Hello, Love, Again

Ayon kay Alden, excited siya sa sequel na ito ng Hello, Love, Goodbye, na kumita ng PHP880 worldwide gross noong 2019.

Ito ang highest grossing Filipino film bago ito napalitan ng 2023 Metro Manila Film Festival entry na Rewind.

“Very excited and looking forward kasi it’s been five years since yun ang chance namin para makapag-work uli to retell the story of yung sequel na Hello, Love, Goodbye.