Kathryn Bernardo at Enrique Gil
GAME na game ang actor-producer na si Enrique Gil na muling makatrabaho ang Box-office superstar na si Kathryn Bernardo.
Unang nagkatrabaho ang dalawang Kapamilya stars sa 2012 ABS-CBN hit prinetime series na “Princess and I” kasama sina Daniel Padilla at Khalil Ramos.
May mga chikang pinag-iisipan daw ng ABS-CBN na pagsamahin uli sina Kath at Quen sa isang acting project kaya naman hiningan ng ilang members ng media ng reaksyon ang binata hinggil dito.
“I’m not sure about that. I haven’t heard about that. But I’m always open to anything, of course,” ang pahayag ni Emrique sa red carpet ng Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal nitong nagdaang December 27.
Baka Bet Mo: Liza natakot nang ialok kina Enrique at Kathryn ang ‘Hello, Love, Goodbye’; nagalingan kay Jane bilang Darna
Nilinaw din ni Quen na kahit nagpo-focus siya ngayon sa sarili niyang production company, ang Immerse Entertainment, hindi naman niya totally iiwan ang pag-arte sa telebisyon at pelikula.
Sa mga hindi pa aware, si Quen ay isa sa mga producer ng MMFF 2024 entry na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” at kasama rin siya sa cast ng naturang reality-horror movie.
“I’m not naman saying goodbye. I’m not saying I’m closing my doors. In the meantime, as of now, because I’ve been doing it all my life, I think there’s a time and place for everything.
“This time, I really want to focus on different genres I’ve never done before. Para masasabi ko, when I get old, at least I was able to do everything.
“So for now, i’m just really enjoying and playing around with different concepts and characters. I’m just having fun,” pagbabahagi ng dating ka-loveteam ni Liza Soberano.
Nang matanong kung anu-ano pa ang mga pelikulang gagawin niya bilang producer ngayong 2025, “Wala pa, this is just the beginning. I was able to produce I am Not Big Bird which is a comedy.
“I’ve always wanted to do comedy, slapstick comedy. And then now, I was able to produce meta-style horror. I still want to produce traditional style horror movie in the future. And I have a concept as well for an action horror,” aniya.
Dagdag pang chika ni Quen, “More concepts and more comedies and of course I want some dramas as well in the future.
“Hindi kasi ako magaling mag-isip ng drama. May mga ilang concepts na. I have a team naman. Ang hilig ko kasi comedy and horror eh. And some action of course in the future,” sabi pa ni Enrique.
Masaya at excited ding ibinandera ni Quen ang nakaplanong collaboration niya with The Kapamilya network, “Actually I have one show coming up with ABS-CBN. Co-production.
“It’s my concept. Ako yung nag-pitch sa ABS-CBN and super natuwa ako na talagang nagustuhan ni tita Cory (Vidanes) and they greenlit the project.
“TV series co-production ko ito and I’m super excited. We’ll be shooting in Europe next year but more details to follow pa,” sey pa ni Quen.
Showing pa rin until now ang “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” bilang isa sa 10 entry sa 50th edition ng MMFF.
Kasama rin sa movie sina Jane de Leon, Alexa Miro, Rob Gomez, MJ Lastimosa, Raf Pineda at Ryan “Zarckaroo” Azurin, mula sa direksyon ni Kerwin Go.