Nag-first taping day ang Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo noong Enero 9, 2023, Lunes sa fiesta ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila.
“Kagabi, nag-edit kami, tapos na namin yung Monday episode,” pagbabalita ng bidang si Coco Martin sa mediacon ng RiteMed nitong Enero 23, Lunes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.
“Pero sobra akong proud. Kasi, sobrang ibang-iba siya sa Probinsyano. Ibang-iba yung treatment, camera works. Iba lahat.
“Kasi sabi ko nga, kailangan natin ngayong makipagsabayan sa international, di ba? Lalo na ngayon, yung mga telenobela natin, kinukuha ng Netflix, ng kung anu-ano pa, di ba?
“Parang… ihanda na natin whatever na mapansin tayo, magustuhan nila. This time siguro, ito na yung tamang panahon para i-upgrade naman natin kung ano yung ginagawa natin.
“Paghandaan na natin kung saka-sakali na magustuhan nila yung proyekto.”
Co-stars ni Coco sa FPJ’s Batang Quiapo sina Lovi Poe, Charo Santos, Lito Lapid, Christopher de Leon, John Estrada, Tommy Abuel, Pen Medina, Susan Africa, Cherry Pie Picache, Alan Paule, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Mark Lapid, Ping Medina, Roxanne Guinoo, Irma Adlawan, Ronnie Lazaro, Mercedes Cabral, at marami pang iba.
Sabi-sabi, malamang na mapasama rin dito iyong iba pang mga artista na nakatrabaho niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Napangiti si Coco, “Actually, hindi mo maiiwasan. Kasi ang na-guest ko sa Probinsyano, 400+ na actors.
“Ang isa sa pinakamalaking problema ko nung nasa Probinsyano ako, halos nauulit na yung mga artista — nire-reveal ko na.
“Kasi dumating ako sa pagkakataon na wala na akong ma-guest. Talagang lahat halos, na-guest ko na. Nahihirapan na kaming mag-casting.
“Minsan sasabihin ko, ‘Palagyan niyo na lang ng bigote yan, hindi na mahahalata yan! Magaling naman na artista yun, hindi na nila mahahalata yan.’
“Kaya sabi ko nga, talagang mauulit, magi-guest ko sa Batang Quiapo yung mga naging guest ko sa Probinsyano. Kasi halos lahat ng mga artista, na-guest ko, e.
“At ngayon, masaya para sa aming lahat. Kasi, ang kailangan natin, hanapbuhay, e. Sa akin, mas gusto ko nga yun. Kasi, alam na nila kung paano ako katrabaho, di ba?
“Hindi ka na mahihirapan pa. Hindi ka na makikisama pa kumbaga. Kasi pag nagtrabaho kami, dire-diretso, di ba? Mabilis. Wala kaming inaaksayang pagkakataon.
“Kasi nga, alam naman natin kung gaano kahirap, lalo na ngayon, 12 hours na lang. Kailangan talaga, productive. Productive kami dun sa trabahong ginagawa namin.”
Paliwanag ni Coco, “Si Lovi kasi, nung nasa GMA pa siya, isa na ako sa mga nakakakita ng talent niya.
“Nakita ko kasi. Sabi ko, ‘Pinay na Pinay!’ Di ba? Hindi ko nga ine-expect na lilipat siya ng ABS-CBN.
“Kaya nung lumipat siya ng ABS-CBN, sabi ko, ‘Sana, makatrabaho ko siya.’ Nagkataon na yung next project ko, Batang Quiapo.
“Nag-aano ako. Sabi ko nga kasi, siyempre gusto ko iba yung ihahain ko ngayon sa mga manonood. E, gusto kong makatrabaho si Lovi. Nagkataon na sakto!
News
Julia Montes, sinabing OK kay Coco ang intimate scenes nila ni Alden sa ‘Five Break-Ups And a Romance’
Inihayag ni Julia Montes na aprubado kay Coco Martin ang intimate scenes niya kasama si Alden Richards sa pelikula nilang “Five Break-Ups And a Romance.” “Mayroon kaming pag-uusap ni Co (Coco) na kapag work, support. Ganu’n kami ka-supportive, and Coco…
Ang Probinsyano marks 6th year with new cast members, including Julia Montes
Julia Montes is not the only new cast member who will join FPJ’s Ang Probinsyano. More new characters are set to be introduced in the series top-billed by Coco Martin as it turns six years old this September. First is Joseph Marco, who was last…
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo reveal how they fell in love with each other
Kathryn Bernardo said that no big words are needed for her to describe the moment she knew that Daniel Padilla is serious about her. “Na-feel ko na totoo na ‘to, basta pinagtanggol niya ako nun,” said Kathryn during a joint…
Coco Martin and Julia Montes Reunite for a Brillante Mendoza Film in Mindoro – Could This Be Their Most Ambitious Project Yet?
July 17 —— Coco Martin and Julia Montes are set to reunite onscreen and will be shooting for an upcoming project in Pola, Oriental Mindoro with director Brillante Mendoza. The actors’ project together was revealed after Pola mayor Jennifer Mindanao…
A Look Back: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla’s Date Outfits at the Derma Are So, So Chic
There’s this saying: The couple that goes to the derma together stays together… No? Okay, fine, we just totally made that up! But you best believe that the argument holds water. Nobody knows this better than Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, one of…
Dominic Roque Breaks His Silence: Did He Really Court Kathryn Bernardo? Here’s His Surprising Response!
Mariing itinanggi ni Dominic Roque ang kumakalat na haka-hakang nililigawan niya si Kathryn Bernardo. Sina Dominic at Kathryn ay parehas ngayong single matapos nilang makipag-break sa kani-kanilang dating karelasyon na sina Bea Alonzo at Daniel Padilla. Ang haka-hakang panliligaw ni Dominic kay Kathryn ay nagsimula…
End of content
No more pages to load