Chavit Singson on two-time Paris Olympics gold medalist Carlo Yulo’s family issue: “Kung anuman ang napag-awayan noong araw, sana patawarin ninyo na ang nanay ninyo. Kung siya ang may kasalanan o kung sinuman ang may kasalanan, mas maganda sana dahil wala ka naman dito sa mundong ito kung hindi [dahil] sa nanay at tatay mo.”
Masusubok ang prinsipyo at paninindigan ni Carlos Yulo sa nakatutuksong alok ng billionaire businessman na si Luis “Chavit” Singson.
Handa raw magbigay ng limang milyong piso si Singson kung magkakasundo ang two-time Olympic gold medalist at ang pamilya nito.
Pera ang sinasabing ugat ng hidwaan ni Carlos at ng kanyang inang si Angelica kaya malalaman sa mga susunod na araw kung pera rin — sa pamamagitan ng pabuyang ipagkakaloob ni Singson — ang magiging dahilan para magkapatawaran ang mag-ina.
Carlos Yulo with his parents, Angelica and Mark Andrew Yulo, during happier times.
Photo/s: Adamson University Facebook
Inilahad ni Singson sa kanyang official Facebook page nito ang kanyang tempting offer.
Base sa kuwento ng dating gobernador ng Ilocos Sur, may nakausap na siyang miyembro ng pamilya ni Carlos.
Lahad niya: “Parang nag-away-away, hindi nila makontak. So, kako, okay lang, pero paano kaya makontak?
“Nag-press release na lang ako para lang magsama-sama sila, buong pamilya, magbibigay ako ng limang milyon.
“Hindi [dahil] sa panalo niya na gold sa Olympics, more on yung sa pamilya.
“Kasi nararamdaman ko yung kaaway mo yung anak mo. Masakit sa ama na aawayin ka ng anak mo at hindi man lang sila inimbita.
Marahil ang tinutukoy ni Singson ay ang hindi pagsalubong ng pamilya ni Carlos sa pagdating nito, kasama ang iba pang Pinoy athletes na lumahok sa Paris Olympics, sa Villamor Airbase noong August 13, 2024.
News
Poverty gave Pacquiao great motivation. He overcame poverty on his own. Great
Manny Pacquiao, the legendary 38-year-old Filipino boxer, warms up at Jingshan Park during a promotional visit to Beijing on Saturday. [Photo/China Daily] Manny Pacquiao cleared $1.50 for his first pro fight – a four-round decision over Edmund Ignacio in…
Chloe San Jose, ibinahagi post-shopping spree moment nila ni Carlos Yulo
Chloe San Jose has just shared a cute clip, which showed her and Caloy having a good time together. Photo: Chloe San Jose (@chloeanjeleigh) Source: Facebook It was their post-shopping video, and they have several shopping bags with them. Carlos and…
Daniel Padilla reportedly makes efforts to win back Kathryn Bernardo
Daniel Padilla reportedly makes efforts to win back Kathryn Bernardo In a recent episode of ‘Showbiz Now Na’ YouTube channel, showbiz columnist Cristy Fermin has disclosed that Daniel Padilla is allegedly making strides to rekindle his romance with Kathryn…
Kathryn Bernardo Looked Ethereal in All-White at the Press Conference of “Hello, Love, Again”
She punctuated her dainty look with over P1.6 million worth of jewelry. PHOTO: Stephen Capuchino via Instagram/danaevernisse It’s official—we’re finally getting a Hello, Love, Goodbye sequel! Five years after the original chart-topping film premiered, Kathryn Bernardo and Alden Richards are set to reprise their roles as Joy…
Kathryn Bernardo Allegedly Unfollowed A *Bunch* Of Celebs, Including Daniel Padilla
So far the actress hasn’t shared the reason behind her ~*unfollowing spree*~. PHOTO: INSTAGRAM/JOHNVALLE20, INSTAGRAM/IMRYANKO Kathryn Bernardo appears to have already *unfollowed* her ex-boyfriend Daniel Padilla. The former couple was last spotted at Robi Domingo‘s wedding last January 6, 2024—although they attended separately. KathNiel fans…
‘Nangapa ulit kami’: Alden Richards, Kathryn Bernardo share story behind ‘Hello, Love, Again’ teaser
‘Nangapa ulit kami’: Alden Richards, Kathryn Bernardo share story behind ‘Hello, Love, Again’ teaser MANILA, Philippines — Alden Richards and Kathryn Bernardo admitted that they had to rediscover their “Hello, Love, Goodbye” characters when they did the…
End of content
No more pages to load