Ex-girlfriend ni Anthony Jennings naglabas ng ‘resibo’; Maris Racal sinabit sa cheating – LA

Ex-girlfriend ni Anthony Jennings naglabas ng ‘resibo’; Maris Racal sinabit sa cheating

Naglabas ng mga ‘resibo’ ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings kung saan makikita ang mga landian convo nito sa ka-love team na si Maris Racal.

Naglabas ng mga resibo ng cheating ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jamela Villanueva.

Laman ng Instagram Stories ni Jamela ang screenshots ng mga phone conversations ni Anthony kay Maris Racal na nag-umpisa pa noong June.

Mababasa sa mga “resibo” ang mga landian messages nina Anthony at Maris.

Magugunitang noong July ay umiiyak na inamin ni Maris na tapos na ang relasyon nila ng singer na si Rico Blanco pero sinabi nitong walang kinalaman sa breakup si Anthony.

Kamakailan naman ay kinumpirma ni Anthony na hiwalay na sila ni Jamela at sinabing wag nang idamay si Maris dahil magkaibigan lamang sila.

Ayon naman kay Jamela, nag-umpisa ang mga phone convo at FaceTime video nina Maris at Snthony noong gabi bago ang brand launch ng magka-loveteam.

“After that day, they continued talking to each other. During those times I just let it be because nagtitiwala ako sa kanila,” ayon kay Jam.

Maris Racal Anthony Jennings CHEATING EXPOSED! NILANTAD Lahat ng Ex-Girlfriend  ni Anthony! - YouTube

Sa mga screenshots mababasa na nagpupunta na si Anthony sa bahay ni Maris kung saan nakaiwan pa ng jacket ang aktor na inaamoy-amoy daw ng aktres.

Pinapa-delete din ni Maris ang convo thread. “Can we delete msgs… screenshots… someday di na kailangan.”

May convo pa na nagkaroon ng landian sa loob ng CR ang magka-loveteam.

“I confronted Anthony about it and he told me na hinila daw siya sa cr ng girls and they started making out. I asked him why did he let her, he just said “ayoko lang maramdaman nya na parang ayoko siya kasi may trabaho kami bukas,” kuwento pa ni Jamela.

May ipinakita pa si Jamela na mga sweet na larawan nina Anthony at Maris sa train ride at sa eroplano.

“When Maris came into the picture I was genuinely happy for you both. I even chose to be supportive, despite the red flags I couldn’t ignore. I believed in you both. But betrayal like this cuts deep.”

Ayon pa kay Jamela, gusto lamang niyang ilabas ang katotohanan para makapag-move on.

“This is my truth, and sharing it is my way of moving forward–not with anger but with strength, hope, and the belief that better days are ahead,” sey pa ni Jamela.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News