Hindi maiwasang magtanong ng mga netizens kung ginagamit nga lang ba ni Mark Andrew Yulo, ama ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, ang kasikatan ng kanyang anak at ang kontrobersiya na bumabalot sa kanilang pamilya upang makakuha ng simpatiya sa kanyang pagtakbo bilang konsehal sa kanilang distrito.
Sa gitna ng mga isyu at intriga na bumabalot sa relasyon ng Yulo family, lalo na sa pagitan ni Carlos at ng kanyang ina na si Mommy Angelica, maraming tagasuporta ang nagtanong kung ang timing ng kandidatura ni Mark Andrew ay sinadya upang gamitin ang kasikatan ng anak bilang pabor sa kanyang political career. Sa kabila ng pagiging kilala bilang ama ng isang pambansang bayani sa larangan ng gymnastics, hindi lingid sa kaalaman ng ilan na wala pa itong sapat na karanasan sa serbisyo publiko, kaya’t nagdudulot ito ng agam-agam sa mga botante kung kaya nga ba niyang gampanan ang responsibilidad ng pagiging isang konsehal.
May mga netizens din ang nagsasabi na dapat muna ayusin ni Mark Andrew ang sigalot sa kanilang pamilya, lalo na’t lantaran ang kontrobersiya sa pagitan ni Carlos at ng kanyang ina. Ayon sa kanila, hindi tamang unahin ang ambisyon sa pulitika habang may mga personal na isyung hindi pa naaayos sa loob ng kanilang tahanan.
Sa kabila nito, mayroon namang mga tagasuporta ni Mark Andrew na nagsasabing walang masama sa kanyang pagtakbo at sa pagnanais niyang maglingkod sa kanilang komunidad. Ayon sa kanila, may karapatan si Mark Andrew na subukan ang politika, lalo na’t siya ay may intensyong tumulong at maglingkod sa kanyang mga kababayan. Ang pagiging ama ni Carlos Yulo, na nagbigay ng karangalan sa bansa, ay hindi dapat tingnan bilang paggamit sa anak kundi bilang inspirasyon upang itaguyod ang kapakanan ng mga tao sa kanilang distrito.