Vice nachakahan sa Miss Universe 2024 presentation: Lasing lang ba ‘ko?

Vice: Lasing ba 'ko o talagang ang panget nitong Miss Universe 2024?

Chelsea Manalo at Vice Ganda

AGREE ang halos lahat ng Pinoy pageant fans sa naging pahayag ni Vice Ganda tungkol sa katatapos lamang na grand coronation ng Miss Universe 2024 na ginanap na Mexico.

Simpleng pang-ookray ang ipinost ng Phenomenal Box-office Star sa naganap na finals night ng naturang international beauty pageant sa kanyang X account.

Tila hindi pasado sa panlasa ng TV host-comedian ang naging production at presentation ng Miss Universe ngayong taon kung saan hindi nagtagumpay ang bet ng Pilipinas na si Chelsea Manalo.

“Lasing at puyat lang ba ko o talagang ang panget ng presentation nitong #MissUniverse2024???” ang hugot ni Vice habang ginaganap ang grand coronation.

Maraming sumang-ayon sa statement ni Vice at nagsabing bagsak para sa kanila ang overall execution ng 73rd edition ng Miss Universe. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng madlang pipol.

“Meme! Baka naman pwede mo bilhin ang Miss Universe para tayo naman!”

“Panget talaga Meme. Mas mahusay pa MGI ee. Thailand ang pinasok sa Top 12 over Philippines? Lutuan malala! Pinatay ko na nga TV nung di tinawag Philippines ee. Soundtrip na lang, pampaklmaaa!”

“Panget talaga meme. Parang walang structure/theme. Gusto lang atang iraos.”

“Meme Ang panget Ng overall production Ng miss universe the cheapest pageant now. Mas okay pa Ang production Ng miss grand international.”

WOW! Chelsea Manalo GINALINGAN sa CLOSED DOOR INTERVIEW Miss Universe 2024

“Ang pangit ng show ngayong taon hindi lng dahil hindi nakasama sa finalist si Chelsea. Hindi maganda ang production this year. Tsaka may career pa pala si Robin Thicke?? Hindi ba sila makakuha ng big name entertainer??”

“It really is ugly, ma’am. There seems to be no structure or theme. They just want to get over with it already.”

“It really is ugly Meme. MGI is even better. Thailand entered the Top 12 over Philippines? What a sham! I turned off the TV when they didn’t call Philippines.”

Ang representative ng Denmark na si Victoria Kjær Theilvig ang nagwaging Miss Universe 2024, ang first ever Danish queen na makakapag-uwi ng titulo at korona sa kanilang bansa.

Umabot lamang hanggang sa Top 30 ang Pinay beauty queen na si Chelsea at nalaglag agad sa Top 12 finalist. Ngunit sa kabila nito, proud pa rin sa kanya ang sambayanang Filipino.