NAG-VIRAL kagabi sa social media ang pagkawala ng panayam ng “Toni Talks” kina Carlos Yulo at Chloe San Jose hosted by Toni Gonzaga-Soriano noong Setyembre 22.
May mga nabasa kaming hindi naging maganda ang takbo ng interview ni Toni kay Carlos kaya kaliwa’t kanan ang bashing sa kanya sa thread ng vlog kaya’t kinailangan itong tanggalin, bukod dito ay marami ang nagsabi na sana’y hindi na raw isinama si Chloe.
Tsinek namin ang “Toni Talks” Facebook account at may anunsyo nga na nagkaroon daw sila ng technical issues. Narito ang nilalaman ng official statement.
“Hi Toni Talks Family!
“We wanted to update you on the episode featuring Carlos Yulo and chloe San Jose.
“We encountered some technical issues, but we are working to resolve them. We know how much you’ve been looking forward to this conversation and truly appreciate your patience and understanding as out team addresses the matter.
“Thank you for your continued support.
“Warmly.
“Tonitalks.”
May isa pang post ng larawan nina Toni habang ini-interview sina Chloe at Carlos na ang nakalagay ay, “In the meantime, you can still watch the full episode on our Facebook page (inilagay ang link).”
“Wala din may balak panoorin mabuti at nabura gusto namin mapagmahal sa parents at stay humble.”
“Dku tinapos panoorin sa YouTube wala dku makitaan ang dalawa ng malasakit sa pamilya puro sarili lang nila ang emportante sa kanila bagay sila walang pagpahalaga sa magulang.”
“Dapat nga good example iniinterview. don’t glorify mga suwail sa magulang.”
“Mam baka pwde feature nyo yung mkakagood vibes sa mood namin. Kasi ang bigat nito, ang toxic.”
Maski supporter ni Toni ay hindi nagustuhan ang episode nina Carlos at Chloe, “Sorry talaga ma’am Toni I love u but kapag ganito mAKIKITA Namin na couple nakaka hina SA mata namin sana si Caloy NAlang na interview kasama ‘yong coach nya mas MAganda pa Seguro. Next time yong iba naman para ma share nila yong success at paghihirap NILA SA training para may matutunan Ang MGA KABATAAN at ma Inspired din.”
“Toni interviewed them kasi sila ang sikat but this time, hindi ko siya panoorin. Lol di nman good influence mga yan in this generation. Sana si EJ nalang.”
“Thanks for deleting it. Our respect has been restored.”
“Ok lng po wag na ibalik masyadong toxic sa mga kabataan maawa na lng po kau sa future generations pa.”
Samantala, alas-otso ng gabi kahapon ay ibinalik na sa “Toni Talks” YT ang edited version ng panayam nina Carlos at Chloe at habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa 114, 226 na lang ang views kumpara sa unedited na sa loob ng 18 hours ay milyones na ang nakapanood.