Angelica Yulo, Ibinida ang anak na Gymnastics Coach at national judge

– Ipinagmalaki ni Angelica Yulo ang kanyang panganay na anak na si Jorielgel Yulo bilang isang coach at national judge sa gymnastics

– Nagsimula si Jorielgel bilang gymnast noong elementarya at high school, at naging bahagi ng N.U. Pep Squad noong kolehiyo

– Ngayon ay isa na siyang respetadong coach ng Club Gymnastica Makati at national judge

– Umaasa si Angelica na mas dumami pa ang mga estudyanteng tinuturuan ni Jorielgel sa larangan ng gymnastics

Ibinahagi ni Angelica Yulo, ina ng kilalang 2-time Olympic Gold Medalist na si Carlos Yulo, ang kanyang pagmamalaki sa panganay na anak na babae na si Jorielgel Yulo. Sa isang social media post, ipinagmalaki ni Angelica ang mga tagumpay ni Jorielgel sa larangan ng gymnastics, mula sa pagiging atleta hanggang sa pagiging respetadong coach at national judge.

Angelica Yulo, Ibinida ang anak na Gymnastics Coach at national judge

Angelica Yulo, Ibinida ang anak na Gymnastics Coach at national judge Source: Facebook

“From a gymnast in elementary and highschool, N.U Pep Squad in college, to a respectable coach of Club Gymnastica Makati and a national judge too (top 1),” ani Angelica sa kanyang post. Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan sa pagiging matagumpay ng kanyang anak bilang coach at judge, at ang pag-asa niyang dumami pa ang mga estudyanteng tinutulungan ni Jorielgel sa gymnastics.

Maraming netizen ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa pamilya Yulo, lalo na sa mga kontribusyon ng mga magkakapatid sa sports. Ang Yulo family ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa larangan ng gymnastics sa bansa, at ang pagkilala kay Jorielgel bilang coach ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagpapalakas ng talento ng mga batang Pilipino.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News