Because she used to call Mavy Legaspi “love”

Kyline Alcantara and Mavy Legaspi

Tinawag ni Kyline Alcantara na “Love” ang ka-love team at hinihinalang boyfriend niyang si Mavy Legaspi.

Kahit wala pa silang direktang kumpirmasyon sa totoong estado ng kanilang relasyon, marami sa mga tagahanga nina Kyline at Mavy ang naniniwalang may namamagitang pag-iibigan sa kanilang dalawa.

Lalo pa’t noong July 2022, napabalitang “boyfriend” ang pakilala ni Kyline kay Mavy sa piling grupo ng mga katrabahong nakasama ng aktres sa isang work trip sa South Korea.

Kaya nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kyline at Mavy, inusisa namin sila tungkol dito.

Binanggit namin na isang reliable source ang nagsabi sa amin ng term of endearment ni Kyline kay Mavy.

Natatawang reaksiyon ni Kyline: “Saan po yan? Love? Grabe namang tawagang yun. Sometimes I’d like to tease po.”

Sabay hirit niya, “Di, joke lang.”

Halatang kinilig si Mavy nang marinig nito ang tanong tungkol sa pagtawag sa kanya na “Love” ni Kyline.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Magkatabi sina Kyline at Mavy nang mainterbyu ng PEP.ph sa dressing room ng SM Megamall Events Place noong Sabado, March 18, 2023. Naroon ang dalawa para sa Globe VH Metaverse mall show.

Nangingiting reaksiyon ng Kapuso actor, “Siguro tini-testing lang ni Kyline.

“Siyempre, kinikilig ako! Pero, inaano ko yun… I look at it maturely.

“Siyempre, di mo naman talaga maalis na merong moments na parang napapa-‘Love…'”

with romantic feelings, but no label just yet?

Kung si Mavy ang tatanungin, hindi niya itinangging mas lumalalim ang romantic feelings niya para kay Kyline na masasabing “constant companion” niya ngayon.

“Ah, siyempre, noon pa man lagi kong sinasabi kay Kyline na laging nadi-develop yung feelings ko sa kanya the more I’m getting to know her.

“Lalo na kapag nakikita ko siya sa set, mas lalo akong napu-fall sa kanya.

“As I’ve always said in the past, na it’s my dream na maka-work si Kyline at nakikita ko face-to-face as partner ko.

“It’s the best feeling at ang dami kong natutunan.”

Pero mailap pa rin si Kyline sa pagkumpirma kung sila nga ni Mavy.

Ito ay sa kabila ng pagiging bukas ng dalawa na lagi silang magkasama sa loob at labas ng trabaho.

Nakasama pa nila sa triple date ang mga magulang ni Mavy, sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, pati na ang twin sister ni Mavy na si Cassy Legaspi, na kasama naman si Darren Espanto.

Hindi ba puwedeng sabihing higit sa pagkakaibigan at pagiging love team ang relasyon nila, lalo pa’t tila aprubado ng mga magulang nila ang kanilang pagkakamabutihan?

“Hindi po ako ang makakasagot niyan,” sagot ni Kyline.

“Kasi, alam naman po namin na we live in their house, we respect their rules, and we do respect their boundaries, so we do respect them. Period.

“Family-oriented naman kami ni Mav, so wala talagang complications when it comes to our parents and families.”

Yung tungkol sa kanilang dalawa, kumusta naman?

Ayon kay Kyline, “Ayun, we’re almost together every day.

“Kung tatanungin niyo kung may sawaang portion, wala po.

“We enjoy each other’s presence and we really help each other when it comes to emotions, off and on cam.

“Siguro we become stronger now.”

Hindi raw uso sa kanila ang cliché na “Familiarity breeds contempt.”

Diin ni Kyline, “A, hindi naman po. Yung mga natutunan namin sa isa’t isa, it’s really deep na gusto talaga namin na sa aming dalawa po muna.

“But maybe in the future, we’ll share it.”

Naging prangka naman si Mavy sa pagbabahagi ng mga pagkakataong hindi sila nagkakaintindihan ni Kyline.

“Well, nagkakaroon ng argument or misunderstanding na, ‘A, wala ka nang time para sa akin lalo kasama ang pamilya mo.’

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas naa-appreciate ko yun kasi parehas lang kaming family-oriented,” saad ni Mavy.

Paliwanag pa ng aktor, “Like, minsan sasabihin ko sa kanya na kailangan kong umuwi nang maaga para maabutan ko ang magulang ko. Kasi, busy na lahat kami, at bihira na kaming magkita-kita sa bahay.

“Minsan, sinasabi ko kay Kyline na sa bahay na muna ako, kasi bihira ko na nga sila makita. Naa-appreciate ko yun dahil naiintindihan niya.

“Sana naa-appreciate din niya na gets ko siya, at naiintindihan ko siya. I understand her.”

Mavy Legaspi and Kyline Alcantara

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT THEY’VE DISCOveRED ABOUT EACH OTHER

Magkatambal sina Mavy at Kyline sa Zero Kilometers Away, ang ongoing digital romantic series ng GMA Public Affairs.

Ano na ang bagong discoveries nila sa isa’t isa, lalo kapag magkasama sila sa taping ng Zero Kilometers Away?

Sagot ni Mavy, “Dahil halos every day nga kaming magkasama, laging may bagong leisure na nangyayari.

“Laging masaya, walang boring time with Kyline.

“And siguro, dahil we want to know each other more.”

Masaya si Kyline na malamang masaya si Mavy kapag kasama siya.

“Siyempre, ang sarap po sa pakiramdam. Ako, masaya ako na nakakatrabaho ko si Mavy kasi ang dami ko rin namang natututunan from him.

“Yun nga siguro ang maganda sa amin kasi hinahayaan namin ang isa’t isa na magbigay ng constructive criticisms.

“And we’re really open to that. Di kami nao-offend sa isa’t isa,” pahayag ni Kyline.