Ai Ai pwedeng-pwedeng gantihan si Gerald: Pero husband ko pa rin siya
MARAMING netizens ang nagkomento na tila ginamit lang daw ni Gerald Sibayan ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas para makapunta at manirahan sa Amerika.
Kaya ang payo ng karamihan sa social media followers ng komedyana ay gantihan ang nakahiwalay na asawa sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa sa Green Card nito.
Pero para kay Ai Ai, na isang US citizen, hindi naman daw niya kailangang gawin ito para lamang makaresbak kay Gerald kahit pa siya ang talagang tumrabaho at nagpakahirap para makakuha ng green card
Kahapon, umiiyak na kinumpirma ng veteran comedienne sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” na nakipaghiwalay sa kanya si Gerald sa pamamagitan lamang ng chat.
Nandito sa Pilipinas ang aktres habang nasa Amerika naman si Gerald nang mag-chat ito sa kanya para tuluyan nang makipaghiwalay.
Pero sa panayam sa kanya ni Tito Boy, sinabi ni Ai Ai na wala siyang balak na ipawalang-bisa niya ang green card ni Gerald na nakuha nito matapos siyang ipetisyon after ng kasal nila noong 2017 at magpabalik-balik sa US.
“Hindi ko naman gagawin ‘yun. Siyempre husband ko pa rin siya. Parang help ko na ‘yon sa kaniya para magkaroon siya ng legal status sa Amerika,” sabi ng aktres.
Matatandaang noong 2015 nang maging green card holder si Ai Ai, na isang legal document para payagang manirahan nang permanente sa Amerika.
“Alam na niya ngayon how to fly. Parang kasi dati, ako yung nagmamaniobra, kasi ako talaga yung medyo matanda sa kaniya. So ngayon, mayroon na siyang karapatan to fly, nagwo-work na siya. Nandoon na siya sa Amerika,” ang pahayag pa ni Ai Ai na nag-celebrate rin ng kanyang 60th birthday kahapon.
Narito naman ang mensahe niya sa nakahiwalay na mister, “I wish you well kasi sa 10 taong pinagsamahan natin in fairness naman to you naging good husband ka naman and siguro ganoon talaga ang buhay. Basta, sana maging masaya ka na lang,” saad ni Ai Ai.
Ikinasal sina Ai Ai at Gerald noong 2017 at nagkaroon ng renewal of vows sa Las Vegas noong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What’s trending
News
Ex-dyowa ni Karla na si Jam Ignacio engaged na sa non-showbiz GF – la
Ex-dyowa ni Karla na si Jam Ignacio engaged na sa non-showbiz GF Jam Ignacio, Jellie Aw at Karla Estrada NAG-PROPOSE na ang ex-partner ni Karla Estrada na si Jam Ignacio sa current non-showbiz girlfriend nitong si Jellie Aw. Yes, yes, yes mga ka-BANDERA! Engaged…
Ai Ai hiniwalayan ni Gerald sa chat, gusto nang mag-baby, hindi na happy – la
Ai Ai hiniwalayan ni Gerald sa chat, gusto nang mag-baby, hindi na happy Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan KUMPIRMADO! Totoo ngang hiniwalayan ni Gerald Sibayan ang asawang si Ai Ai delas Alas sa pamamagitan lamang ng mensahe sa chat. Rebelasyon ng Comedy…
Paul ibinuking ni Mikee, nagselos kay Kelvin: OMG! Magagalit ‘yun! – la
Paul ibinuking ni Mikee, nagselos kay Kelvin: OMG! Magagalit ‘yun! Kelvin Miranda, Mikee Quintos at Paul Salas KAHIT alam niyang magagalit ang kanyang boyfriend na si Paul Salas, ibinuking pa rin ni Mikee Quintos kung sinong aktor na pinagselosan nito. Game na sumabak…
Ai Ai ibinunton daw kina Carlos at Chloe ang galit kay Gerald Sibayan – la
Ai Ai ibinunton daw kina Carlos at Chloe ang galit kay Gerald Sibayan Chloe San Jose, Carlos Yulo, Gerald Sibayan at Ai Ai delas Alas KUNG may kumampi kay Ai Ai delas Alas sa paghihiwalay nila ni Gerald Sibayan, meron ding mga nangnega…
Ai Ai delas Alas iniwan ng asawa dahil sa 3rd party: Nag-cheat na noon – LA
Ai Ai delas Alas iniwan ng asawa dahil sa 3rd party: Nag-cheat na noon Gerald Sibayan at Ai Ai delas Alas RAMDAM ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na may ibang babae ang nakahiwalay na asawang si Gerald Sibayan. Ni-reveal…
Kim Chiu’s Heartfelt Confession: Overcoming Jealousy and Finding Growth in the Spotlight – LA
Kim Chiu’s Heartfelt Confession: Overcoming Jealousy and Finding Growth in the Spotlight Kim Chiu: A Journey of Self-Discovery and Love Kim Chiu, a beloved figure in the Philippine entertainment industry, has captivated audiences with her talent, beauty, and unwavering spirit….
End of content
No more pages to load