Tinawag na “abusive hypocrite,” “deadbeat dad,” “user,” at “fake” ni Kris Aquino ang dating asawang si James Yap.

Kris Aquino says she is done with keeping quiet and is tired of being taken advantage of by ex-husband James Yap, whom she called a “hypocrite” and a “user.”
Base ito sa sagot ng TV host-actress sa ilan niyang followers sa Instagram ngayong Biyernes, April 20.

Naging masigasig si Kris sa pagsagot sa netizens na nag-react sa kanyang post kung saan binatikos niya si James.

Sa mahabang Instagram post ni Kris, inilahad niya ang dahilan kung bakit hindi na nakikipagkita si James kay Bimby.

Ito ay dahil wala na raw sa kapangyarihan ang pamilya ni Kris.

Ginawa ni Kris ang post matapos idaan ni James sa Instagram ang pagbati sa anak nilang si Bimby sa ika-11 kaarawan nito kahapon, April 19.

Sinagot ni Kris ang ilang IG followers niya upang depensahan ang sarili at kung bakit siya nag-post laban kay James.

BATTLE OF EGOS. Mensahe ng isang netizen, ang nangyayari kina Kris at James ay labanan ng ego.

Nakalulungkot daw na ang anak nila ang maaapektuhan sa kanilang away.

Pero nauunawaan daw nitong naglalabas lang ng “bitterness” si Kris sa kanyang post.

Sabi naman ni Kris, deserve niyang magkaroon ng ego, lalo pa’t mag-isa niyang itinaguyod ang anak at ipinagtanggol sa pamba-bash, na hindi ginawa ng ama nito.


Komento naman ng isa pang netizen, wala na ang dating Kris na tahimik.

Sagot dito ni Kris: “Actually this has always been Kris… but now she realize she was done playing nice w/ an abusive hypocrite.”


May nagkomento ring kawawa raw si Bimby sa nangyayari.

Pero ayon kay Kris, mas kawawa ang kanyang anak kung pahihintulutan niya ang panggagamit dito ni James.

Missing in action daw si James nang ma-bully at tawaging “bakla” si Bimby.