Ikinagulat ng netizens ang rebelasyon ni Kris Aquino na siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Kasabay rin ito ng pag-amin niyang totoo ngang naging kasintahan niya ang pulitiko.
Sa Instagram kagabi, July 20, 2023, tinukoy ni Kris ang “LDR” o long-distance relationship at ang kanyang kalusugan na mga dahilan kung bakit tila hindi magtatagumpay ang kanilang relasyon.
Aniya, “I asked Marc for a pause because with my condition the way it is now, I’m self aware enough to know that a long distance relationship will be next to impossible for us to maintain.
“For the Filipinos working all over the world, I know I’m blessed to have kuya Josh & bimb with me- but most moms reading this will agree, we don’t want our kids to suffer from anxiety about our health, especially kung solo parent ka like me.”
Ngayong araw, July 11, 2023, isang Bible verse naman ang ibinahagi ni Mark sa kanyang Instagram Story.
Halaw ito sa 1 Corinthians 13:1 tungkol sa pagiging matiisin ng isang tao pagdating sa pag-ibig.
Ang mga titik nito ay inilapat ni Mark sa larawan nila ni Kris na ginamit ng huli sa anunsiyo nito ng hiwalayan nila.
Mababasa rito: “LOVE IS PATIENT, LOVE IS KIND.
“It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others. It is not self-seeking, it is not easily angered.
“It keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth.
“Love bears all things, believes all thing, hopes all things, endures all things. LOVE NEVER FAILS.”
Noong May 2023 lamang, tila inamin na rin ni Kris ang relasyon nila ni Mark.