TRULILI nga kaya ang chika na ayaw na raw umanong marinig ng Kapamilya A-lister na si Kathryn Bernardo ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla?
Ito kasi ang napag-usapan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin at kasamahan nitong si Romel Chika sa show nilang “Cristy Fermin”.
Sa episode nila nitong March 6, naikuwento ng kolumnista ang na may nakarating sa kanyang chika tungkol kay Kathryn.
Aniya, may nagkuwento raw sa kanya tungkol sa Kapamilya actress.
“Natawa ako dito sa kuwentong ito. So, lahat pala ng ‘Daniel’ ngayon ayaw na talagang marinig ni Kathryn Bernardo. Kung totoo ‘yong kuwento na ayaw na niyang naririnig pa ang pangalan na ito,” saad ni Cristy.
Aniya, nasa moving on stage raw kasi ang dalaga mula sa nangyari at kahit sino naman ay may ganoong prosesong pagdaraanan.
“Alam n’yo po, nando’n kasi sa pagsulong mula sa isang pagkabigo si Kathryn Bernardo at kahit sino naman po siguro ay ganyan ang magiging emosyon,” pagpapatuloy pa ni Cristy.
Chika pa niya, dalawang linyahan raw ang madalas gamitin sa mga ganitong pagkakataon.
“Dalawa po ang gasgas na linya kapag ganyan. Ang una, ‘change topic please.’ Ang mas harsh na atake, ‘please don’t say bad words,’” natatawang sey ni Cristy.
Sabi naman ni Romel, talaga namang nangyayari ang ganitong phase sa mga nagmu-move on gaya ni Kathryn na bagama’t OA para sa iba ay natural lang naman ang ganitong ganap lalo na kung nasaktan ang isang tao nang sobra.
Matatandaang November 2023 nang aminin ng dalaga sa publiko na tuluyan na silang naghiwalay ni Daniel.
Tumagal rin ng 11 years ang relasyon nina Kathryn at Daniel.
Samantala, para naman kay Gelli de Belen, ang gumanap bilang ina ng aktres sa seryeng “2 Good 2 Be True”, walang problema kung magkakabalikan ang dalawa.
“Mga bata pa naman sila [Kathryn at Daniel]. Kung uukol, bubukol! Malay mo? Pero kung hindi, maybe it’s time for them to do other things, and discover themselves. More than anything, sa kanila pa rin. Yun ang pinakaimportante!” ani Gelli.
News
WATCH: HOW JOSHUA GARCIA SUPPORTED JULIA BARRETTO IN THAT INTENSE ‘UN/HAPPY FOR YOU’ PARKING LOT SCENE SPARKS ROMANTIC RUMOURS
In the high-stakes world of film, the pressure can often feel overwhelming, especially during emotionally charged scenes. But as seen in the behind-the-scenes footage from their much-anticipated reunion film, “Un/Happy For You,” Joshua Garcia and Julia Barretto demonstrate that the…
Kathryn Bernardo and Alden Richards: Tourist Sighting in Calgary Reveals Couple’s Hands Entwined!
Kathryn Bernardo and Alden Richards Spotted Holding Hands in Calgary The charming duo of Kathryn Bernardo and Alden Richards has once again caught the public’s attention, this time in Calgary, Canada. As the two continue to work on their highly…
AiAi delas Alas pinayuhan si Chloe San Jose na wag awayin ang nanay ni Carlos Yulo
– Para kay Aiai Delas Alas, hindi dapat inaaway ni Chloe San Jose ang ina ng kanyang boyfriend – Aniya, kung wala ang nanay niya ay wala siyang boyfriend ngayon lalo at girlfriend pa lang naman daw siya – Sa…
Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela
– Ibinahagi ni Awra Briguela ang kanyang mapusong pag-amin kaugnay sa kinasangkutang kontrobersiya sa vlog ni Vice Ganda – Matapos ang kinasangkutang gulo sa Poblacion, Makati, hindi iniwan ni Vice Ganda si Awra – Kwento pa ni Vice, halos isang…
Mga kapatid ni Carlos Yulo, ipinahiwatig na close umano sila sa Kuya Caloy nila
– Eldrew and Elaiza Yulo, the siblings of Carlos Yulo were interviewed by Atty. Karen Jimeno in Bilyonaryo – The clip of the interview lasted for about three minutes and was uploaded on YouTube – The two younger siblings of…
Vice Ganda, gumastos ng mahigit P300,000 nang ipag-shopping ang inaanak
– Pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak sa kaibigang si Ethel Booba matapos niyang makita ito sa unang pagkakataon – Dinala nila ang bata sa toy store at si Vice ang nagbayad sa lahat ng laruan na nagustuhan ni…
End of content
No more pages to load