SINERMUNAN ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa umano’y pambabastos nito sa kanyang inang si Angelica Yulo.
Hindi na raw nakayanan ni La Oro ang mga nababasa at naririnig niya tungkol sa kawalang respeto raw ng Pinoy champ sa sariling ina, lalo na ang pagtawag ng binata kay Angelica ng “magnanakaw.”
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagsasabing maling-mali ang ginagawang paninikis ni Caloy sa sarili niyang pamilya, lalo na kay Angelica at sa ama niyang si Mark Andrew Yulo.
Binabatikos din ang Filipino gymnast ng mga netizens dahil mas pinili pa nitong makasama sa kanyang tagumpay bilang atleta ang dyowa niyang si Chloe San Jose kesa sa mga magulang niya at mga kapatid.
Isa nga ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa sa mga naglabas ng saloobin tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Yulo family, sa pamamagitan ng TikTok video.
“I can’t help it anymore. Masyado nang matindi ang tabas ng dila ng batang ito, hindi ko na kinaya,” ang simulang pahayag ni La Oro.
Ayon sa premyadong aktres, nasasaktan siya para kay Angelica at hindi na raw niya kayang tiisin ang nararamdaman kaya nagsalita na siya.
“Hindi po ako sang-ayon, the way he is treating his mother is horrible. Wala po akong pakialam doon sa girlfriend niya kung sino man ‘yun, siya bilang anak, hindi dapat nagtatrato ng magulang nang ganyan. Kahit anong sabihin, mali po ‘yun.
“‘Yun pong pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad, ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal sa kapwa, ke nanay mo o hindi, lalo na kung nanay mo,” lahad ni La Oro.
Pagpapatuloy niya, “Kung mabuti kang tao, hindi ka magsasalita ng kung ano-ano doon sa babaeng pinanggalingan mo kaya ka nabuhay.”
Para kay Elizabeth, kawalang-respeto raw ang ipahiya ni Caloy ang ina sa social media at sabihan ito ng kung anu-anong masasakit na salita.
Sana raw ay inayos nila ang kanilang problema sa pribadong paraan at hindi na gumawa ng video para idiin si Angelica.
“Hijo, Caloy, marami kang hindi alam. Alam mo parang masyadong matigas na ang puso mo.
“Sino ba ang nagturo sa iyo niyan, hindi ka naman siguro tinuruan ng nanay mo nang ganyan, kahit ano pang kasalanan ng nanay mo, nanay mo pa rin ‘yan. Kahit gaano kasama ang ina, ina mo pa rin ‘yan, tandaan mo ‘yan.
“Hihiyain mo ‘yung mother mo? Tatawagin mong magnanakaw? Tandaan mo, your cells, galing sa ina mo, hanggang mamatay ka.
“Kahit patay na na ang ina mo, iyan ang tutulong sa health mo, iyan ang reason kung bakit ang galing mong athlete, tanga!” ang talak pa ni Elizabeth.
Dagdag pa ng aktres, sobrang nahe-hurt siya kapag may mga anak na nambabastos at nagsasalita nang hindi maganda sa kanilang mga magulang.
Bukas ang BANDERA sa magiging reaksiyon ni Carlos sa mga pahayag ni La Oro.
News
Chloe San Jose, naniniwalang gabayan dapat ng magulang mga anak sa pagtingin ng mga pics
– Chloe San Jose, in a screengrab of her reply to a comment shared by FashionPulis, expressed her belief that parents should guide their kids when looking at photos – Earlier, a netizen commented on her post showing photos of…
Regalong Singsing Ni Paulo Avelino Kay Kim Chiu, Million Ang Halaga!
Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang regalong singsing ni Paulo Avelino para kay Kim Chiu, na tinatayang nagkakahalaga ng milyon. Ang Kapamilya actress at rumored partner ni Paulo ay naging sentro ng atensyon dahil sa kanyang agaw-pansin na alahas. Ayon…
Nadulas, Kim Chiu Tinawag Na Papi Si Paulo Avelino
Binati ni Paulo Avelino ang aktres na si Kim Chiu sa kanyang pagkapanalo sa Seoul International Drama Awards 2024 na ginanap noong Setyembre 25, Miyerkules. Sa kanyang post sa X, ipinahayag ni Paulo ang kanyang pagbati gamit ang isang…
Carlos Yulo Muling Tinanggal Bilang Endorser Ng Isang Kilalang Company Dahil Sa Isyu Sa Pamilya!
Kasalukuyan, kumakalat ang balita sa social media tungkol sa pag-atras ng isang kilalang kumpanya sa Pilipinas sa kanilang plano na kunin si Carlos Yulo, ang two-time gold medalist, bilang bagong endorser. Ayon sa mga ulat, tinanggal na si Carlos…
Janella Salvador Nagsalita Sa Isyu Sa Its Showtime, Kim Chiu at Vice Ganda Imbiyerna!
Mainit pa ring pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms ang aktres na si Janella Salvador matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa mga fans ng aktres na si Kim Chiu dahil sa pagbibiro nito noong naging guest ito sa It’s…
“OMG” Daniel IPINAGTAPAT kay Kathryn na isa siyang BAKLA na Sobra Niyang IKINAGULAT!
In an unexpected revelation, Filipino actor Daniel Padilla has reportedly come out as gay to his longtime on-screen partner, Kathryn Bernardo. This unexpected announcement has left Bernardo, along with their fans and the rest of the entertainment industry,…
End of content
No more pages to load