USAP-USAPAN ngayon sa social media kung totoo bang may naganap na hindi pagpapansinan sa pagitan ng Kapamilya actresses na sina Kim Chiu at Kathryn Bernardo.
Isang video kasi ang kumakalat ngayon kung saan tila dinedma ng “Hello, Love, Again” lead star ang “It’s Showtime” host.
Tampok rin ang isyu sa pagitan nina Kathryn at Kim sa latest episode ng “Showbiz Update” nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Diegs.
Ipinakita rin nito ang naturang video clip ng dedmahan ng dalawa sa kanyang vlog.
Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Kathryn Bernardo muling nagkita, KathNiel fans asa pa sa balikan
Ngunit pagkatapos raw nito ay parang hindi na nito pinansin si Kim.
“Pero parang dedma raw si Kathryn kay Kim Chiu. Diyos ko naman, as far as we know, wala namang gap ‘yong dalawa. Kaya karamihan sa comment section ay naiirita sa mga nang-iintriga na hindi okay sina Kathryn at Kim Chiu,” sey pa ni Ogie.
Chika ni Ogie, maaari raw na bago pa makunan ng video ang naturang pangyayari ay nagkabesohan na at nagkabatian na ang dalawa.
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag sina Kathryn at Kim hinggil sa isyu.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga kampong sangkot sa naturang intriga.