Magkakaalaman na: Coco ipina-drug test lahat ng nasa ‘Batang Quiapo’

BUKAS na raw magkakaalaman kung sinu-sino sa mga artista at production staff ng “FPJ’s Batang Quiapo” ang negatibo at positibo sa paggamit ng droga.

Ipina-drug test ng ABS-CBN sa pangunguna ng lead star at direktor ng “Batang Quiapo” na si Coco Martin ang lahat ng cast members at mga taong involved sa produksiyon.

Magkakaalaman na: Coco ipina-drug test lahat ng nasa 'Batang Quiapo'

Kung sino raw ang magpopositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay otomatikong hindi na muna makakapagtrabaho sa teleserye ng Kapamilya Network.

Sa sulat na ipinadala ni Coco last Wednesday, October 2, binigyan niya ng hanggang October 7 ang lahat ng kasama niya sa serye para magpa-drug test.

 

“Kung maaari lamang na ipasa ang inyong resulta bago mag-Okubre 7, 2024. Kung hindi po makakapagpasa bago ang nasabing araw, hindi po muna mapapayagan pumasok.

“Kinakailangan pong sumunod ang lahat, sapagkat para po ito sa ikaayos ng takbo ng ating produksyon at parte ng pangangalaga natin sa bawat isa. Maraming salamat po,” aniya pa.

Napag-usapan ang balitang ito sa programang “Cristy Ferminute” nitong nagdaang Biyernes, October 4 kung saan kinumpirma nga ni Nanay Cristy Fermin ang pagsailalim sa drug test ng buong produksiyon ng serye.

“Nakakatuwa si Coco Martin. Sumusunod siya talaga sa naaayon.  Isipin mo, pina-drug test niya lahat ng kanyang production people.

“Kapag sa October 7 hindi nai-submit ‘yong kanilang drug test, hindi pwedeng magtrabaho,” ang pahayag ng veteran entertainmentcolumnist at online host.

Dagdag pa niya, “Dapat lang talaga na binibigyan ng disiplina, lalo na ngayon sa mga panahong ito, ano ba ang kalaban ng mga produksiyon ng kahit sino kahit ordinaryong tao? Droga, ‘di ba?”

Sabi naman ng co-host niyang si Romel Chika, “Yes, nadi-delay ang lahat at nagkakagulo ang set kapag may ilan sa mga kasamahan nila ang may bisyo, kaya dapat lang para maiwasan ang gulo sa anumang set ”

Naniniwala rin si Nanay Cristy na tama lang naman ang ginawa ni Coco upang mapanatiling maayos at drug-free ang kanilang pagtatrabaho.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News