– Nagbgiay pahayag si Ogie Diaz tungkol sa nasabi ni Mark Yulo sa isa sa mga live videos nito
– Alam din umano ni Ogie na hindi pa nagkakausap ng maayos sina Carlos Yulo at kanyang mga magulang
– Hiling din nilang magkaayos na sana ang pamilya Yulo nang sa gayon, maitodo na umano ni Carlos ang pagdiriwang sa pagiging Olympic gold medalist na nagbigay karangalan sa Pilipinas
– Matatandaang sa gitna ng tagumpay ni Carlos sa natapos na 2024 Olympics sa Paris, kasabay nito ang pagsasapubliko ng umano’y hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang mga magulang
Nagbigay pahayag at payo si Ogie Diaz patungkol sa pinakabagong pinag-uusapang naging pahayag ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Yulo.
Ogie Diaz, may payo kay Mark Yulo ukol sa bago nitong kontrobersyal na naging pahayag (Mark Andrew Yulo) Source: Facebook
Ito umano ay tungkol sa naging reaksyon ni Mark sa mga akusasyon ng publiko na umano’y ginagatasan lang ng kanilang pamilya si Carlos.
Ayon kay Ogie, kahit na ang pahayag ng ama ni Carlos Yulo ay maaaring naglalaman ng biro, mahalaga pa rin na maging maingat sa mga ganitong usapin, lalo na’t patuloy ang kakulangan ng komunikasyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya.
“Alam ko namang joke lang yun ng tatay ni Carlos Yulo pero sana, hinay-hinay lang din tayo. Alam ko naman na wala pa ring komunikasyon si Carlos at yung kanyang pamilya,” ani Ogie.
Nagbigay rin siya ng opinyon tungkol sa epekto ng relasyon ng magulang at anak, “Kahit pa magbangayan yan, mag-ina pa rin yan… ako naniniwala, dumidepende ang trato ng anak sa magulang, depende yan sa kung paano niya itrato at hubugin ang kanyang anak. Susuklian lang ‘yun ng anak.”
Ayon kay Diaz, ang pag-uugali ng anak sa kanyang mga magulang ay madalas na sumasalamin sa paraan ng pagpapalaki at pag-aalaga ng magulang sa kanya. Ito ay nagpapahiwatig na ang anumang hindi pagkakaunawaan ay maaaring maiwasan o maayos sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon at pag-unawa.
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanyang Ogie Diaz YouTube channel:
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba’t ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019. Sa natapos na Paris Olympics ngayong taon, dalawang gintong medalya ang naiuwi ni Carlos na mga panibagong karangalan para sa Pilipinas.
Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men’s Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.
Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano’y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos. Gayunpaman, hangad na marami na magkaayos parin silang mag-ina
News
Vice Ganda dismisses rumors he broke up with Ion Perez: âMasaya kamiâ
Ion Perez and Vice Ganda. Image: screengrab from YouTube/Itâs Showtime Vice Ganda shut down rumors that he and his partner Ion Perez have broken up, stating that they recently spent time apart only to keep the âbalanceâ in their relationship….
Vice Ganda reveals how Aga Muhlach played an important role in relationship with Ion
Did you know that Itâs Showtime host Vice Ganda is actually friends with veteran actor Aga Muhlach? And weâre able to get a glimpse of their unexpected friendship through the formerâs latest vlog, wherein she got to interview the latter about his…
Julia Barretto and Joshua Garcia Spark Kilig Vibes Behind the Scenes of Un/Happy for You
Itâs official: JoshLia is back! Screencaps: Star Cinema Just this April, Julia Barretto and Joshua Garciaâs much-awaited reunion movie was announced. JoshLia fans werenât expecting it, but dreams do come true! Star Cinema even hypes them up with behind-the-scenes glimpses…
Angelica Yulo, welcome sa pagsali sa Mrs. Philippines 2025, ani MPO President Erika Joy Santos
– Angelica Poquiz Yulo, the mother of two-gold Olympic medalist Carlos Yulo, is welcome to join the Mrs. Philippines 2025 beauty pageant – The President of the Mrs. Philippines Organization, Erika Joy Santos, herself made the announcement in a recent…
Vice Ganda, kwelang binanggit si Cristy Fermin sa ‘It’s Showtime’
– Vice Ganda humorously inserted Cristy Fermin’s name on ‘It’s Showtime’ – This happened during the September 11, 2024, episode of their ‘Kalokalike!’ segment – The namedrop happened when Vice asked Kim Chiu to ask the Ariana Grande Kalokalike! contestant…
Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: âRespect naman sa ibang artistsâ
– Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kay Anne Curtis matapos umano itong sumingit na mag-perform – Sa kanilang show na #BidaKapamilya sa SM City Pampanga, kasama sina Vice Ganda, MC, Lassy at Anne Curtis sa mga nag-perform – Hirit…
End of content
No more pages to load