Klea Pineda kay Katrice Kierulf: Swerte ko, sobra mo akong pinapasaya

Klea Pineda kay Katrice Kierulf: Swerte ko, sobra mo akong pinapasaya

Katrice Kierulf at Klea Pineda

 

IBINANDERA ng Kapuso actress na si Klea Pineda sa buong mundo ang abot-langit na pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Katrice Kierulf.

Idinaan ni Klea ang pagbati sa kaaarawan ng kanyang partner sa social media kung saan muli nga niyang ipinagsigawan kung gaano niya la-love ang dyowa.

Makikita sa Instagram account ng Sparkle artist at proud member ng LGBTQIA+ community ang sweet photo nila ni Katrice na may hawak pang bouquet of flowers.Sa caption, nabanggit ni Klea na talagang bumili siya sa bulaklak para sa kanyang GF at saka sila nag-dinner.
“Hon, ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ako nagsusumikap maabot mga pangarap ko.
“Hon, maraming salamat sa walang katumbas na suporta na pinaparamdam mo sa akin,” ang simulang pagbati ng StarStuck Season 6 Ultimate Female Survivor kay Katrice.

Patuloy pang mensahe ni Klea, “Parati mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo parati (no. 1 fan mo kaya ako),” aniya pa.

Pinasalamatan naman ni Katrice si Klea sa pamamagitan ng comments section ng IG post ng Kapuso star, “Thank you so much, mahaly. Ang swerte ko kasi sobra sobra mo akong pinapasaya. I love you.”

“Ang wish ko para sayo ay ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa para sa mga pangarap mo at sa kung anong makakapagpasaya sa puso mo,” mensahe pa niya.

Base sa post ni Klea, nasa Amerika sila ngayon ni Katrice at nagbabakasyon.

Nag-come out si Klea Pineda bilang  member ng LGBTQIA+ community nang mag-celebrate siya ng kanyang 24th birthday last year.