Jinkee Pacquiao

Wala talagang imposible kung si Manny Pacquiao ang asawa mo!

Na kung sino ang bet mong makasama, makilala, makaharap, kering-keri at magaganap talaga.

Tulad ngayon, na napa-‘sana all’ na naman ang mga faney, dahil sa mga video na pinost ni Jinkee Pacquiao sa Instagram.

Eh kasi naman, kasama niya si Vanness Wu, na unang sumikat bilang miyembro ng F4/Flower Four.

“Nice meeting you @vannesswu #originalF4 #F4.

“Chika-chika lang with Vaness Wu. Nagkuwento how he loves his mom and lima pud sila mag-igsoon (lima silang magkakapatid). Naka-relate kay lima pud ako anak (Naka-relate dahil lima rin ang anak ko),” sabi ni Jinkee.

Well, mas bongga nga ang video ni Jinkee sa Facebook, dahil ramdam mo ang super intense na kuwentuhan nila, ha! Ang sarap panoorin ni Vaness na nagsasalita habang nakangiti, na lalong naniningkit ang mga mata, ha!

At inggit much ang lahat, lalo na noong may mga pinakita pa si Vanness kay Jinkee sa cellphone niya, ha! Lalo na noong may paghawak pa si Vaness sa braso ni Jinkee.

At yes, nagkakaintindihan naman talaga sila, dahil magaling din mag-English si Vanness, di ba?

Kaya feel na feel mo talaga ang inggit nga mga faney kay Jinkee.

“My goodness! @jinkeepacquiao I’m so kilig! Sana all talaga! Happy for you.”

“Grabeeee. Inggitt.”

“Hala! Wow oi mao jd ning mga idol nako sauna oh Meteor Garden sos grabe ka fanatic konsa F4 jd.”

“One of my favorite Taiwanese actor.”

“Sobrang crush ko siya noong high school. I even let my ka-text before that my name is Carness because of this man and the Meteor Garden. Tita mode.”

“Very professional si Jinkee. Hindi niya pinahalatang kinilig siya.”

“My ultimate crush Vanness Wu way back Meteor Garden.”

“Oy, sana all tulad ni Madam Jinkee.”

“Walang kupas si Vaness Wu. Guwapo pa rin.”

“My long time crush. Kind hearted Vanness Wu. We Filipino loves you so much. Thank you for inspiring me.”

Well, again and again, sana all talaga, tulad ni Jinkee, na may asawang kasing-powerful na tulad ni Manny Pacquiao. Na kahit ang mga hari at reyna ng ibang bansa, nakakasama niya, ha!

Bongga!