Max Collins, Pancho Magno divorced na: ‘We’re legally separated’
PAREHO nang single ang dating mag-asawa na sina Max Collins at Pancho Magno.
Kinumpirma ito mismo ni Max sa programang “24 Oras” at sinabing naaprubahan na sa Amerika ang kanilang diborsyo na nangyari last month lamang.
“We’re legally separated na so it’s official na,” sey ng aktres sa panayam.
Nang tanungin naman sila tungkol sa maayos na co-parenting para sa nag-iisa nilang anak na si Skye.
Kung matatandaan, noong Abril nang ibinunyag ni Max sa kanyang interview with Boy Abunda na pinag-uusapan nila ni Pancho ang pag-divorce bilang isa siyang American citizen.
Naikwento niya rin na kasagsagan ng pandemic nu’ng magdesisyon daw sila ng aktor na tapusin na ang kanilang pagsasama bilang married couple.
Mutual decision daw nila ni Pancho na itago muna sa publiko ang kanilang breakup para iwas-intriga at tsismis, lalo pa’t meron silang anak na pinangangalagaan at pinoprotektahan.
Hindi naman daw sila basta bumitaw sa kanilang relasyon dahil kahit medyo mahirap na para sa kanila ni Pancho ang sitwasyon ay nag-try pa rin sila na i-save ang kanilang relasyon.
“Tito Boy, we’ve been together for like eight years total? Nilaban namin hangga’t kaya ng mga puso namin in a sense na dumating ‘yung point na we stop becoming in denial about it,” aniya pa.
Pagpapatuloy ni Max, “I’m ready to talk about it now because we’re in a good place. I actually got his blessing to do this interview with you.”
Pagdating naman sa co-parenting set up, ipinagmalaki ni Max na ito ay “healthy” at “going great” para sa kanila.
“We’re good, we’re great,” sambit niya kay Tito Boy.
Dagdag niya, “It really works for us; we’re very healthy, and we’re both happy, and our son is very happy, so really it worked out for the best.”
Matatandaang ikinasal ang dalawang Kapuso stars noong 2017.
News
NAKASAMA NINA KYLIE PADILLA AT NG DALAWANG ANAK NYA SI ALJUR ABRENICA- LA
NAKASAMA NINA KYLIE PADILLA AT NG DALAWANG ANAK NYA SI ALJUR ABRENICA Kylie Padilla at Aljur Abrenica, muling nagsama-sama? Nag-aalab ang mga kuryosidad ng mga fans matapos kumalat ang balitang nakasama muli si Kylie Padilla at ang dalawang anak nila…
Sue inusisa matapos ang viral kiss kay Dominic, DomSue layag – LA
Sue inusisa matapos ang viral kiss kay Dominic, DomSue layag! KALIWA’T KANAN ang mga nagtatanong sa Kapamilya actress na si Sue Ramirez kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila ni Dominic Roque. Matatandaang nitong Biyernes, November 9, nag-trending ang dalaga matapos kumalat…
Dom nanliligaw kay Sue, bet na bet ng nanay ng aktor: ‘Nagpapadala pa ng food!’ – la
Dom nanliligaw kay Sue, bet na bet ng nanay ng aktor: ‘Nagpapadala pa ng food!’ Ogie Diaz; Dominic Roque, Sue Ramirez “BASE sa source ko ay nanliligaw daw itong si Dominic (Roque) kay Sue Ramirez,” ito ang bungad ni Ogie Diaz sa online…
SHOCKING NEWS: Everyone is shocked to know the reason why Dingdong Dantes and Marian Rivera’s children had to leave their homeland and flee to another country.
SHOCKING NEWS: Everyone is shocked to know the reason why Dingdong Dantes and Marian Rivera’s children had to leave their homeland and flee to another country. DINGDONG Dantes MARIAN Rivera ESCAPED THEIR CHILDREN TO ANOTHER COUNTRY!** Showbiz fans were surprised…
Barbie Imperial Usap-usapan Ang ‘Jowa Reveal’ – LA
Barbie Imperial Usap-usapan Ang ‘Jowa Reveal’ Sa wakas, tinuldukan na ni Barbie Imperial ang matagal nang katanungan ng mga netizens tungkol sa estado ng kanyang love life. Sa kanyang pinakabagong post sa Facebook, ibinahagi ni Barbie ang masaya at makulay…
Buhay ni Angelica Yulo gagawing pelikula; patitirahin sa P95-M na bahay?- la
Buhay ni Angelica Yulo gagawing pelikula; patitirahin sa P95-M na bahay? ISANG mayamang negosyante raw ang nagbabalak na gawan ng pelikula ang equally-controversial na nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo. Sinasabing naantig at na-inspire ang nasabing businessman sa kuwento ng buhay…
End of content
No more pages to load