Hindi naging seryoso si Xian Lim kay Kim Chiu, ayon kay Cristy Fermin.
Sinabihan ni Cristy Fermin si Xian Lim sa nababalitang hiwalayan nito kay Kim Chiu matapos ang 12 taong relasyon.
Nauna rito, nag-trending si Xian matapos nitong burahin lahat ang mga video sa kanyang YouTube channel. Kasama sa mga binura ni Xian ang mga travel vlog nila ni Kim.
Sa programa ni Cristy, sinabi nitong maraming fans ang lalong nainis kay Xian dahil parang pinaasa lang nito si Kim sa loob ng 12 taon.
Sa paghihiwalay nina Xian at Kim, mala-Daniel Padilla umano sa kuwento si Xian at Kathryn Bernardo naman ang peg ni Kim.
“Dito sa hiwalayang ‘to, siya rin yung Daniel Padilla. Talagang Daniel Padilla siya dito si Kim Chiu yung Kathryn, diba?” sey ni Cristy.
Ang relasyon ng KathNiel ay umabot ng 11 taon kaya mas mahaba pa ang relasyon ng KimXi.
Ayon kay Cristy, makikitang hindi sineryoso ni Xian si Kim at walang naging plano ang aktor na mag-offer ng kasal sa nobya.
Naunang kinumpirma ni Ogie Diaz na ilang buwan nang hiwalay sina Xian at Kim pero hindi pa umano ito maamin ng aktres dahil pinoproseso pa rin nito ang pinagdaraanan.
Wala pang kumpirmasyon sina Kim at Xian kung talagang hiwalay na sila.