May pinatatamaan ba si Kylie Padilla sa kanyang Facebook post kahapon, October 7, 2024?

Ang nilalaman ng post ni Kylie ay may kinalaman sa mga katangiang taglay ng isang “great leader.”

Is Kylie Padilla's cryptic post alluding to Aljur Abrenica?

Nagkataong ipinost ito ng Kapuso actress ilang oras matapos kumalat ang balitang tatakbong konsehal sa Angeles City, Pampanga, ang estranged husband nitong si Aljur Abrenica.

Tatakbo si Aljur sa ilalim ng partidong kinabibilangan ni dating Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, na kakandidatong alkalde ng Angeles City.

KYLIE PADILLA’S CRYPTIC POST ABOUT “GREAT LEADER”
Ayon sa post ni Kylie, ang magaling na lider ay isang taong kayang pamunuan ang sarili nitong pamilya.

Ang pamilya raw ang maituturing na una nitong komunidad.

Gayundin ang maayos nitong pagpapalaki ng kanyang mga anak at kailanman ay hindi naging taksil sa kanyang asawa.

Higit sa lahat, malapit ang puso nito sa Panginoon.

Kaya ang pagseserbisyo raw ay isang pag-aalay ng sarili sa kapwa, at hindi ang kabaligtaran.

Buong post ni Kylie: “A good indicator of a great leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community.

“A man who raises his kids with good values, integrity and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles.

“A man who has a heart close to God. Service is about what you can do for others, not what they can do for you.”

Sa comments section ay may mga nakisimpatiya kay Kylie:

Netizens on Kylie Padilla
Rovilson Fernandez relates SHOCKING RACISM experience | PEP Interviews

KYLIE PADILLA-ALJUR ABRENICA BREAKUP
Taong 2018 nang magpakasal si Kylie kay Aljur. Biniyayaan sila ng dalawang anak.

Pero noong 2021, nagkaroon ng bulung-bulungan tungkol sa relasyon nila. Kumakalat sa showbiz na diumano ay naghiwalay na ang dalawa.

Hanggang sa kumpirmahin ito ng ama ni Kylie na si Robin Padilla noong July 2021.

Netizens on Kylie PadillaNetizens on Kylie Padilla

Sinabi pa nitong third party ang dahilan ng breakup ng dalawa.

Dito na rin nasangkot ang pangalan ng Vivamax actress na si AJ Raval na pinaghinalaang third party sa hiwalayang Aljur at Kylie.

Ito’y dahil makailang beses silang naispatan ni Aljur na magkasama matapos isapubliko ni Robin na hiwalay na ang aktor at ang kanyang anak.

Hanggang noong February 14, 2023, tuluyan nang isinapubliko nina Aljur at AJ ang kanilang relasyon.

Samantala, mayroon na rin ngayong napapabalitang boyfriend si Kylie.