Coco Martin on until when FPJ’s Ang Probinsyano will air: ‘Hangga’t gusto ng mga manonood.’
Binigyang-linaw ni Coco Martin ang viral kissing video nila ni Yassi Pressman.
Natanong ang Kapamilya actor tungkol dito matapos ang preescon proper para sa launch ng bago niyang TV commercial, ang King Cup Sardines, kagabi, June 28.
“Hindi naman kiss yun. Ano lang yun, beso-beso lang yun.
“Alam niyo naman, siyempre lahat kami nagbabasa,” nakangiting sabi ni Coco.
Ang naturang video ay kuha sa loob ng isang waiting area sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Nagkaroon ito ng iba-ibang version dahil sa pagkaka-edit ng ibang fans kaya ang dating ay parang naghalikan ang dalawang Kapamilya stars.
Sabi pa ni Coco, “Nabigyan lang ng malalim na kulay. Kasi siyempre, alam niyo naman ang mga fans…”
Gayunman, ikinatutuwa ng aktor ang patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa tambalan nila ni Yassi sa Ang Probinsyano.
Aniya, “Nakakataba rin ng puso kasi siguro tinatangkilik nila yung Ang Probinsyano, yung tandem namin ni Yassi.
“Nakaka-proud kasi nagugustuhan nila.”
THE SHOW LIVES ON. Asahan daw na mas marami pang nakakakilig na eksena ang mapapanood sa long-running prime time series ng ABS-CBN.
Ayon kay Coco, “Mahaba-haba pa. Mahaba-haba pa ang kuwento.
“Sana subaybayan nila gabi-gabi kasi talagang ipinapakita namin dito sa pagkakakataong ito, sa istoryang ginagawa namin, ano ba yung stand ng mag-asawa na nagkasira at dahan-dahang binubuo.
“Alam mo yung prinoproseso talaga namin yung tamang proseso kung paano sila ulit magkakabalikan, mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.”
Isang magandang pagkakataon din daw ito para ipakita sa kanilang masugid na manonood na hindi lamang puro aksyon ang Ang Probinsyano.
Aniya, “Ito yung pagkakataon para ipakita na yung Ang Probinsyano, hindi puro action, hindi puro drama.
“Kapag love story, alam mo yun, ibinibigay namin sa mga manonood.
“Gusto namin totoo yung pinapanood namin sa mga tao.”
Hanggang kailan pa eere sa telebisyon ang Ang Probinsyano?
Nakangiting sagot ni Coco, “Hangga’t gusto ng mga manonood.
“Hangga’t may kuwento kaming maibibigay sa mga Pilipino, nandiyan pa rin kami.”
News
It turns out that Kobe Paras fell in love with Kyline because the first time he saw her on the cover of a magazine, a new journey opened up. confession comes from Kyline
Kyline Alcantara and Kobe Paras to fly to China for a shoot The actress is set to star in the upcoming Kapuso adaptation of the K-drama “Shining Inheritance,” alongside Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, and Coney Reyes. Kyline, however,…
Kobe Paras Surprises Kyline Alcantara On Stage
Isang nakakakilig at hindi malilimutang sandali ang naganap kamakailan sa isang malaking event, kung saan isang espesyal na sorpresa ang inihanda ni Kobe Paras para kay Kyline Alcantara sa mismong entablado, sa harap ng maraming tagahanga. Naging viral ang nasabing…
🔴Ikinagalit ni Kobe Paras nang Mabasa ang Liham Ni Kyline Alcantara kay Mavy Legazpi! 🔴
Kobe Paras, Ikinagalit Nang Mabasa ang Liham ni Kyline Alcantara kay Mavy Legaspi! Alamin ang Buong Kwento! Mainit na usap-usapan ngayon ang tila pagsiklab ng galit ni Kobe Paras matapos mabasa ang isang liham na sinasabing isinulat ni Kyline Alcantara…
Jackie Forster responds to fans saying they want to marry sons Andre, Kobe. Benjie Paras knows this or not…
Celebrity mom Jackie Forster had the sweetest reply to these fans who said they wanted to marry her sons — Andre and Kobe — with former basketball player Benjie Paras. Under her most recent Instagram post advising ladies on how to finally…
COCO MARTIN MATAPANG NA NILANTAD ANG TOTOONG PAGTAO AT UGALI NI JULIA MONTES SA TOTOONG BUHAY
Coco Martin, Matapang na Inilahad ang Tunay na Pagkatao at Ugali ni Julia Montes sa Totoong Buhay Nagbigay ng matapang na pahayag si Coco Martin kamakailan tungkol sa tunay na pagkatao ni Julia Montes, na matagal nang iniuugnay sa kanya…
YASSI PRESSMAN AT COCO MARTIN TULOY ANG KASAL | JULIA MONTES NAGPAUBAYA NA!
Yassi Pressman at Coco Martin, Tuloy ang Kasal? Julia Montes Nagpaubaya Na! Alamin ang Katotohanan sa Likod ng Tsismis! Muling umingay ang mundo ng showbiz matapos kumalat ang usap-usapang sina Yassi Pressman at Coco Martin ay magpapakasal na, at diumano’y…
End of content
No more pages to load