Chloe San Jose, sinupalpal ang kumwestiyon sa business class flight niya mula Paris

Nagkaroon ng matinding palitan ng salita sa social media matapos kwestiyunin ng isang netizen ang kakayahan ni Chloe San Jose na magbayad ng business class flight mula Paris. Sa isang post ni Chloe, pinuna ng isang netizen ang kanyang diumano’y kakulangan sa edukasyon at sinabi pang wala siyang delikadesa.

Chloe San Jose, sinupalpal ang kumwestiyon sa business class flight niya mula ParisChloe San Jose, sinupalpal ang kumwestiyon sa business class flight niya mula Paris
Source: Facebook

Sa post ni Chloe kung saan nilinaw niya ang tungkol sa post ni Xian Gaza, nagkomento ang isang netizen, “Kapal ng mukha mo Chloe Anjeleigh San Jose wala ka delikadesa… Grade 12 lang inabot mo Melbourne… How can you afford a business class flight from Paris? That costs Euro 4,879-eur 6k? Nakakahiya ka… Kahit gaano kapa magpa S3XY YOU HAVE NO CLASS AT All!! Oppsssss.”

Hindi pinalampas ni Chloe ang tirada at agad na sinagot ang komento. Aniya, “huuhh grade 12 lang tinapos? Sorry, i did a course on being an enrolled nurse and now taking up my bachelor of psychological sciences—get your facts right. You’re comparing a 35 yr old coach to a 22 yr old student 🤡 I don’t have to explain every single bit of my income, just know that I CAN AFFORD IT MYSELF lol.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Chloe San Jose, sinupalpal ang kumwestiyon sa business class flight niya mula ParisChloe San Jose, sinupalpal ang kumwestiyon sa business class flight niya mula Paris
Source: Facebook

Ngayong araw ay nakauwi na sa Pilipinas ang mga Pinoy athletes na lumahok sa Olympics sa Paris at kasabay din si Chloe sa kanilang pag-uwi bilang siya ang kasama ni Carlos Yulo.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News