Karl Eldrew Yulo (left) to brother Carlos (right): “I’m just, e, you know, nagtatampo lang na kailangan pa namin i-seek yung attention mo. Especially kapatid mo ako, hindi naman mataas pride ko. Nagalit din naman ako sa yo, pero temporary lang.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / One Sports (YouTube)
Viral ngayon ang online interview ng nakababatang kapatid ni Carlos Yulo, 24, na si Karl Jahrel Eldrew Yulo, 16, kaugnay ng hidwaan ng kanilang ina at ng Paris Olympics 2024 two-time gold medalist.
Sa Facebook nitong nakaraang August 6, 2024, isang short Reel ang ibinahagi ng isang netizen tungkol sa saloobin ni Karl matapos maisapubliko ang sigalot ng kanyang kuya at ang ina nilang si Angelica Yulo.
Nabulgar ang hidwaan nina Carlos at inang si Angelica matapos makasungkit si Carlos ng ginto sa ongoing Paris Olympics 2024 dahil na rin sa social media posts ni Angelica Yulo.
Dito ay pinagmukha ng ina na ingrato at hindi mabait na anak si Carlos.
KARL ELDREW’S APPEAL TO KUYA CARLOS
Sa nasabing Reel, inihayag ni Karl ang kanyang pangungulila sa nakatatandang kapatid.
Base sa kanyang pahayag, nabawasan ang oras ni Carlos sa pamilya nito mula nang maging girlfriend ng atleta si Chloe San Jose.
Si Chloe ang itinuturong dahilan ni Karl sa paglayo ni Carlos at ng inang si Angelica. Ito naman ay pag-ulit niya sa sinabi ring dahilan ng ina nang una itong nag-post laban kay Chloe.
Bukod pa sa isyu ng girlfriend, naroon din ang isyu ng mag-ina na may kinalaman sa pera.
Mensahe ni Karl para sa kapatid, “Hindi naman namin pinipilit na bumalik, pero if ever na maisipan mo, is always free kami.
“Hindi kami lumalapit sa iyo kasi dahil nanalo ka.
“Gusto lang naman namin kayo maka-bond nang hindi namin sinasabi or hindi namin kailangan sabihin.
“Naisipan niyo, yung hindi pa namin kailangan ipagsabi sa inyo, parang nanghingi kaming lima [Carlos’ parents and siblings].
“Parang ganun, like, ‘Kuya, penge naman attention mo’, parang ganun.”
News
Vice Ganda dismisses rumors he broke up with Ion Perez: ‘Masaya kami’
Ion Perez and Vice Ganda. Image: screengrab from YouTube/It’s Showtime Vice Ganda shut down rumors that he and his partner Ion Perez have broken up, stating that they recently spent time apart only to keep the “balance” in their relationship….
Vice Ganda reveals how Aga Muhlach played an important role in relationship with Ion
Did you know that It’s Showtime host Vice Ganda is actually friends with veteran actor Aga Muhlach? And we’re able to get a glimpse of their unexpected friendship through the former’s latest vlog, wherein she got to interview the latter about his…
Julia Barretto and Joshua Garcia Spark Kilig Vibes Behind the Scenes of Un/Happy for You
It’s official: JoshLia is back! Screencaps: Star Cinema Just this April, Julia Barretto and Joshua Garcia’s much-awaited reunion movie was announced. JoshLia fans weren’t expecting it, but dreams do come true! Star Cinema even hypes them up with behind-the-scenes glimpses…
Angelica Yulo, welcome sa pagsali sa Mrs. Philippines 2025, ani MPO President Erika Joy Santos
– Angelica Poquiz Yulo, the mother of two-gold Olympic medalist Carlos Yulo, is welcome to join the Mrs. Philippines 2025 beauty pageant – The President of the Mrs. Philippines Organization, Erika Joy Santos, herself made the announcement in a recent…
Vice Ganda, kwelang binanggit si Cristy Fermin sa ‘It’s Showtime’
– Vice Ganda humorously inserted Cristy Fermin’s name on ‘It’s Showtime’ – This happened during the September 11, 2024, episode of their ‘Kalokalike!’ segment – The namedrop happened when Vice asked Kim Chiu to ask the Ariana Grande Kalokalike! contestant…
Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”
– Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kay Anne Curtis matapos umano itong sumingit na mag-perform – Sa kanilang show na #BidaKapamilya sa SM City Pampanga, kasama sina Vice Ganda, MC, Lassy at Anne Curtis sa mga nag-perform – Hirit…
End of content
No more pages to load