– Hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig upang ipadama sa kalahok sa Expecially for You na si April
– Ani Vice, hindi na siya taong affected sa mga taong napapangitan sa kanya pag wala syang wig
– Dagdag pa niya, may wig o wala, alam niyang may mga nagmamahal sa kanya
– Hindi napigilan ni April na maiyak at maging ang mga studio audience ay naging emosyonal din
Isang emosyonal na tagpo ang naganap sa “Expecially for You” segment nang nagpakita ng suporta si Vice Ganda sa isang kalahok na nagngangalang April. Si April ay may alopecia at hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig bilang simbolo ng pakikiisa.
Vice Ganda, nagtanggal ng wig para suportahan si April Source: Instagram Ayon sa WebMD, ang alopecia ay isang kondisyon na nagdudulot ng pagkawala ng buhok, kadalasan sa anit, ngunit maaari rin itong makaapekto sa ibang bahagi ng katawan. Maaaring magdulot ito ng maliliit na kalbong bahagi, kabuuang pagkawala ng buhok sa anit, o kahit kabuuang pagkawala ng buhok sa buong katawan. Bagaman hindi ito nakamamatay, maaaring magdulot ng emosyonal at sikolohikal na epekto ang kondisyon sa mga taong apektado nito.
Sa isang makabagbag-damdaming pahayag, sinabi ni Vice Ganda, “Hindi na ako affected sa mga panget na panget sa akin pag walang wig… May wig o wala may nagmamahal dito no, bukod kay Ion mahal ako ng nanay ko, mahal ako ng mga kapatid ko, mahal ako ng pamilya ko, mahal ako ni Lord.”
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1065956664894106&set=a.391486882341091&type=3&ref=embed_post
“Pareho tayong naka wig”
“Sana makakita ka ng lalaking ano gusto kang yakapin kahit wala ka ng wig, hahalikan ka kahit wala ka ng wig, tas nag i-i love you pa din kahit wala ka ng wig.” #TaraShowtimeNa#ViceGanda | Vice Ganda
pic.twitter.com/LPNfvXEPKD— dary ྀིྀིྀིྀིྀིྀིྀིྀི (@viceyyglam) July 19, 2024
Ang eksenang ito ay nagdulot ng matinding emosyon sa lahat ng nasa studio. Si April ay hindi napigilang maiyak dahil sa ginawang suporta ni Vice Ganda, at maging ang mga studio audience ay naging emosyonal din. Marami ang nagbigay ng palakpakan at luha ng tuwa sa pagkilos na ito ni Vice Ganda.
Pinatunayan muli ni Vice Ganda na ang tunay na kagandahan ay hindi nakikita sa panlabas na anyo kundi sa kabutihan ng puso. Ang kanyang ginawa ay isang inspirasyon sa marami na yakapin ang kanilang tunay na sarili at maging matapang sa harap ng mga pagsubok.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It’s Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu.
Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It’s Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load