MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbukas ng kanyang puso si Coco Martin ukol sa isang personal na karanasan mula sa kanyang kabataan.
Coco Martin, may ‘di magandang karanasan noong bata kaya ayaw mag-celebrate ng birthday (Ogie Diaz Showbiz Update)Source: Youtube
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Coco ang isang hindi malilimutang karanasan na nagbago ng kanyang pananaw sa mga pagdiriwang, lalo na sa kanyang mga kaarawan.
“Meron kasi ako na hindi magandang karanasan nu’ng bata ako. Kaya honestly ‘pag birthday ko, hindi ako nagse-celebrate.”
Ibinahagi niya ang isang partikular na insidente noong siya ay bata pa, kung saan pinaghanda siya ng kanyang ina ng isang party para sa kanyang kaarawan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Coco, “Pinaghanda ako. Tapos ang ginawa niya inimbita niya ‘yung mga kamag-anak ko sa Arayat, Pampanga. Syempre nagluto ang Mama ko, nag-abala… Walang pumunta.”
Dahil sa pangyayaring ito, naranasan ni Coco ang umano’y isang malalim na trauma na nagbigay epekto sa kanyang pananaw tungkol sa mga pagdiriwang ng kaarawan. “Nong nag-birthday ako, in-invite niya ang mga kamag-anak namin doon, walang pumunta. Parang siguro dahil bata ka, parang nagkaroon ka, na-trauma ka,” aniya.
“Hindi ako masaya ‘pag birthday ko tapos may party gano’n. Para bang gusto ko na siyang matapos,” dagdag pa ng Batang Quiapo actor.
Ibinahagi rin ni Coco na bukod sa kanyang sariling karanasan, naaawa siya para sa kanyang ina, na naghirap at naglaan ng oras at pagsisikap para maghanda ng salo-salo para sa kanyang kaarawan. “Naawa ako sa nanay ko, nagpakahirap siya magluto at wala namang dumalo,” pahayag ni Coco, na nagpapakita ng kanyang malasakit at pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng kanyang ina.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:
Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.
Matatandaang naikwento ni Coco Martin sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano na nabigyan na umano niya ng kanya-kanyang bahay at kanya-kanyang negosyo ang apat pa niyang mga kapatid. Ang dalawa pa sa mga ito ay bahagi na rin ng FPJ Batang Quiapo.
Minsan na ring napuri ni Cristy Fermin ang pagiging matulungin ni Coco. Aniya, kulang na lamang ay magpatayo ito ng bahay ampunan sa dami umano ng natutulungan ng aktor.
News
Family opposed Kris’ marriage with her boyfriend – Mr. Right. The reason was revealed….
Family opposed Kris’ marriage with her boyfriend – Mr. Right. The reason was revealed…. The family of Kris Aquino had opposed her marriage to cager James Yap five years ago because of their 10-year age gap. “Kung tutuusin (Truth be told),…
On WHAT would have been their 19th anniversary, Kris has MESSAGE for James Yap
On WHAT would have been their 19th anniversary, Kris has MESSAGE for James Yap Kris Aquino isn’t exactly a person of few words. Star Cinema and James Yap’s Instagram page But the “I Love You, Hater” star did manage to…
Carlos Yulo Muling Tinanggal Bilang Endorser Ng Isang Kilalang Company Dahil Sa Isyu Sa Pamilya!
Carlos Yulo Muling Tinanggal Bilang Endorser Ng Isang Kilalang Company Dahil Sa Isyu Sa Pamilya! Kasalukuyan, kumakalat ang balita sa social media tungkol sa pag-atras ng isang kilalang kumpanya sa Pilipinas sa kanilang plano na kunin si Carlos Yulo, ang…
Ina Ni Chloe San Jose Nagsalita Na Sa Pagkakaroon Ng Anak Ni Chloe Sa Iba!
Ina Ni Chloe San Jose Nagsalita Na Sa Pagkakaroon Ng Anak Ni Chloe Sa Iba! Ayaw nang magpatalo sa katahimikan ng ina ni Chloe San Jose, ang kontrobersyal na personalidad na kasalukuyang partner ng dalawang beses na Olympic gold medalist…
HOT: The video ruined the reputation of 12-year-old actress ANDREA BRILLANTES
HOT: The video ruined the reputation of 12-year-old actress ANDREA BRILLANTES ABS-CBN young star Andrea Brillantes alleged video is now trending in social networking site and some netizens searching for the video download link if it is true or…
Toni Gonzaga Nagsalita Na Kung Bakit Binura Ang Video Sa Naging Panayam Niya Kay Carlos at Chloe!
Toni Gonzaga Nagsalita Na Kung Bakit Binura Ang Video Sa Naging Panayam Niya Kay Carlos at Chloe! Nagulat ang mga tagahanga ng online talk show ni Toni Gonzaga, ang “Toni Talks,” nang mawala ang episode na tampok ang dalawang beses…
End of content
No more pages to load