Bumalik si Sofronio Vasquez sa Pilipinas at nagkaroon ng grand homecoming segment sa It’s Showtime. Nagbukas siya ng programa sa mga song numbers kasama ang Tawag Ng Tanghalan alumni at hurado tulad nina Nyoy Volante, Darren Espanto, at Yeng Constantino. Inawit niya ang “A Million Dreams,” ang kantang nagdala sa kanya ng tagumpay sa finals ng The Voice USA. Ipinahayag niya ang pasasalamat sa Tawag Ng Tanghalan na unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon sa kanyang singing career
Muling nagpakitang-gilas si Sofronio Vasquez, ang kampeon ng “The Voice USA,” sa kanyang grand homecoming segment sa It’s Showtime. Ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay sinalubong ng mainit na suporta at pagmamahal mula sa kanyang mga tagahanga.
Sofronio Vasquez, emosyonal na nagbalik-tanaw sa kanyang It’s Showtime Homecoming (ABS-CBN Netws/YouTube)Source: Youtube
Sa episode nitong Lunes, binuksan ni Sofronio ang programa sa pamamagitan ng makabagbag-damdaming song numbers kasama ang mga alumni at hurado ng “Tawag Ng Tanghalan” tulad nina Nyoy Volante, Darren Espanto, at Yeng Constantino.
Bilang finale, inalay niya ang isang emosyonal na rendisyon ng “A Million Dreams,” ang kantang naging susi sa kanyang tagumpay sa finals ng The Voice USA.
Ang bawat nota ay punong-puno ng damdamin, dahilan upang magningning ang kanyang pagbabalik sa entablado kung saan siya unang nakilala.
Sa panayam, ibinahagi ni Sofronio ang kanyang pasasalamat sa “Tawag Ng Tanghalan,” na naging daan upang mabigyan siya ng pagkakataong maipakita ang kanyang talento.
“Nag-reminisce lang ako, every time na nag-a-audition ako sa mga competitions, ‘Tawag Ng Tanghalan’ ‘yung unang pumansin sa’kin,” ani Sofronio na halos maiyak habang nagkukuwento.
Ang pagbabalik ni Sofronio ay hindi lamang isang selebrasyon ng kanyang tagumpay kundi isang patunay na ang pagsusumikap at pasasalamat ay nagbubunga ng magagandang pagkakataon.
Voice Season 26 sa Amerika. Bago nito, sumali siya sa mga lokal na singing competition sa Pilipinas tulad ng Tawag ng Tanghalan at The Voice Philippines.
Nagbahagi ng kanyang saloobin si Michael Bublé, coach sa The Voice US, matapos ang finals night ng sikat na singing competition kung saan nagpakitang-gilas ang Pilipinong singer na si Sofronio Vasquez.
Sa panayam ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe, inihayag ni Bublé ang posibilidad na makagawa ng kasaysayan si Sofronio.
Pinasikat ng Filipino singer na si Sofronio Vasquez ang pangalan ng bansa matapos siyang tanghaling kampeon sa Season 26 ng The Voice ngayong Martes, Disyembre 10.
Ang tagumpay na ito ay nagdala rin ng unang panalo para kay Michael Bublé bilang coach sa kanyang debut season.