Kasama ni Julie Anne San Jose si Jessica Villarubin na nagtanghal sa Heavenly Harmony Concert na idinaos sa mismong harap ng altar ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro, noong Oktubre 6, 2024.
Naging kontrobersiyal ang palabas at binatikos nang husto si Julie Anne dahil sa pagtatanghal nito sa harap ng altar, sa kanyang sexy outfit, at sa mga kantang inawit niya tulad ng “Dancing Queen” at “Edge of Glory.”
Humingi ng paumanhin si Julie Anne, pati ang Sparkle GMA Artist Center na namamahala sa kanyang showbiz career.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang talent management arm ng GMA Network, na inamin ang mga pagkukulang sa pinag-usapan at pinagpistahang insidente.
JESSICA VILLARUBIN ON CONTROVERSY
Si Jessica ang kasama ni Julie Anne sa Heavenly Harmony Concert, pero ang mang-aawit na binansagang Asia’s Limitless Star at hindi ang The Clash Season 3 grand champion ang napuruhan nang husto ng mga batikos at paghuhusga.
Kabilang ang “This Girl is on Fire” at “Maybe This Time” sa mga inawit ni Jessica sa concert na ginanap sa harap ng altar ng simbahan.
Red gown naman ang kanyang suot sa concert.
Pero pakiramdam ni Jessica ay naitsapuwera siya dahil si Julie Anne lamang ang naging biktima ng matitinding batikos.
“Hala, ba’t wala ako? Kasi kaming dalawa po ang nandoon.
“Na-late po nang pumutok yung sa akin, e. Na-late, na-late yung sa akin, si Ate [Julie Anne] ang nauna. Kasama po ako doon,” sabi ng singer.
Nang itanong ni Boy ang panig niya tungkol sa nangyaring kontrobersya, ito ang sagot ni Jessica: “Actually, both sides naman po, naglabas na ng story at nagkapatawaran na po ang lahat and maraming natuto po sa nangyari.
“Kasi ako rin po, sa totoo, nagse-serve ako sa church for fifteen years. I was a psalmist in a choir. I am choir member for sixteen years.”
Ano ang mahalagang leksiyon na natutunan niya mula sa karanasan nila ni Julie Anne?
Tugon niya, “Siguro po next time, mas dapat namin malaman po kung ano talaga ang gagawin.”
News
Yassi Pressman recalls fun bonding moments with Coco Martin and half sister Cara in London-n
Kinilig ang marami sa mga fans nina Coco Martin atYassi Pressman nang lumabas ang video kung saan personal na na-meet ng Ang Probinsyano actor ang nakatatandang half sister ni Yassi na si Cara. Nag-show sa London ang cast ng Ang Probinsyano bilang pasasalamat sa…
Julia Montes posts throwback photo with Coco Martin as ABS-CBN replays their first teleserye together. Revealing the truth no one knows about Coco Martin-n
Julia Montes takes a trip down memory lane by posting her old photos with Coco Martin. The photos were outtakes from their first teleserye together, Walang Hanggan, which was shown in 2012. Julia’s post promotes the rerun of Walang Hanggan, which will…
Dominic Roque hints at date night with Bea Alonzo
Tila unti-unting nagpapahiwatig sina Dominic Roque, 30, at Bea Alonzo, 33, tungkol sa napapabalitang maganda nilang pagtitinginan. Noong January 6, 2021, nag-post si Dominic ng ilang litrato na hinihinalang kuha sa date night nila ni Bea Alonzo. Ang location na…
Bea Alonzo, Dominic Roque were spotted together in Amanpulo, already in love-n
Ito ay makalipas ang ilang araw na naging tampok ng espekulasyon ang solo pictures nina Bea at Dominic, na parehong naroon sa sikat na private island sa Palawan. Matinik ang avid supporters ng dalawa sa pagkalap ng ebidensiyang makikita ang dalawa…
The diamond ring is related to Julia Montes’ support of Coco Martin’s new project-n
Julia Montes, 25, sa bagong proyektong pagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin, 39. Sa kanyang Instagram Stories noong February 2, nag-post si Julia ng video ng trailer ng Love or Money, ang pelikulang pinagbibidahan nina Coco at Angelica Panganiban. Tanging…
Coco Martin compares Julia Montes and Yassi Pressman to these Pinoy dishes-n
Coco Martin compares Julia Montes and Yassi Pressman to these Pinoy dishes-n Coco Martin prefers street food over “sosyal” dishes. This was what the Ang Probinsyano lead actor revealed during his July 5 presscon for Sarsaya Oyster Sauce held at Las Casas…
End of content
No more pages to load