“JUST to settle this question magpapa-presscon ako Tito Boy (Abunda) kukunin kitang host pag maga-announce na po ako officially kung sino ang aking makaka-partner,” ito ang pangako ni Alden Richards sa Fast Talk TV host.
Ang aktor ang ka-one-on-one interview ng King of Talk sa Friday episode ng programa niyang “Fast Talk with Boy Abunda” at natanong nga kung kumusta ang kanyang love life ngayon.
Ito rin ang madalas na tanong kay Alden lalo’t nakikitang masyado silang malapit ng leading lady niyang si Kathryn Bernardo sa pelikulang “Hello, Love Again” na sinu-shoot ngayon sa Canada under Direk Cathy Garcia-Sampana produced ng Star Cinema at GMA Films.
Halos lahat ng online talk show ay madalas na topic ang KathDen pero may nagsabing wala pang relasyon ang dalawa dahil may ibang nanliligaw kay Kathryn na hindi pa niya bina-basted na ibig sabihin ay puwede pa siyang mag-entertain ng manliligaw.
Baka Bet Mo:
Anyway, sa 2 minute fast-talk ay pinili ni Alden ang magka-girlfriend kaysa magkaroon ng pera at more time for dates.
Kuya Boy, “Guwapo, romantiko?”
Alden, “romantiko.”
Alden, “mahal ko.”
Kuya Boy, “magka-pera, magka-girlfriend?”
Alden, “magka-girlfriend.”
Kuya Boy, “more time for dates or more time for gaming.”
Alden, “more time for dates.”
Kuya Boy, “kung invisible ka, sino ang mamanmanan mo?”
Alden, “secret po.”
Kuya Boy, “ideal place for dates?”
Alden, “something private.”
Kuya Boy, “ideal age to get married?”
Alden, “35 (years old).”
Sa madaling salita ay may tatlong taon na lang si Alden para mahanap ang kanyang ‘the one’ dahil gusto na niyang mag-settle down, edad 32 na siya ngayon.
Guilty ang sagot ng aktor sa tanong kung nasubukan na niyang mag-drive ng nakainom, may naka-alitang co-actor, nang block ng basher, nang ghost ng babae.
‘Both,” ang sagot ni Alden sa tanong kung ano ang pipiliin niya, love o career
Samantala, puro paghanga sa aktor ang nabasa namin sa ilang komento sa kanya mula sa netizens.
Galing kay Rosemarie Atieza 8830, “Sa lahat ng mga batang artista sa ngaun itong si Alden ang pinakagusto ko marespetong sumagot walang angas at napaka-desenteng bata.”
“This guy always speaks from the heart, so genuine!” say naman ni Dixiegirl3959.
Say ni Alice Mejiaco 6113, “First time I saw Richard talking on TV and was impressed by the sincerity in explaining everything for us to realize that he is one of those actors whose honesty in him prevailed. Congratulations! Always keep safe and may God bless you forever!
Aabangan daw ni Marilyn Cervantes 6319 ang announcement ni Alden pag may girlfriend na siya., “Super smart ka talaga, Alden Richard. Wait namin ang announcement mo sa yong partner in life na. God bless on your serye Pulang Araw and safe flight to Canada excited to watch HLA with your Queen Kathryn.”
News
May Violation Ulit! It’S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda
Kapamilya noontime show na It’s Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag…
BREAKING NEWS: Binggo Na! Its Showtime Nanganganib Na Muling Masuspinde?!
Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, muling nakakuha ng pansin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga kontrobersyal na biro. Ang mga birada ni Vice Ganda ay naglalaman ng mga pahayag na tila may target…
Vice Ganda, sinagot ang netizen na sinabihan siyang wag pisikalin si Anne Curtis
– Vice Ganda recently responded to some netizens on Twitter – One netizen called him out and told him to avoid having “pisikilan” jokes with Anne Curtis – It didn’t take long for Vice to address the said tweet –…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
27 Aug – Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known…
Bea Alonzo reacts after touring Thailand at same time as Gerald Anderson, Julia Barretto
From left: Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto at the 2019 ABS-CBN Ball Philstar.com / Kat Leandicho, file MANILA, Philippines — Kapuso actress Bea Alonzo is unbothered to cross paths with her ex-boyfriends in the future. In GMA7 reporter…
Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=478551918363683&set=a.106700708882141&type=3&ref=embed_post- Sa kanyang post kamakailan ay pinakita niya ang aniya’y dinatnan niya nang umuwi siya sa bahay nila – Aniya, bago siya umuwi ay sinabihan niya na ang ex girlfriend niya na lumipat na – Bukod sa pagpuri niya na…
End of content
No more pages to load