OMG! Coco Martin confessed love on Erich Gonzales: “Pag tinitigan ka niya, doon ko nararamdaman bilang lalaki na kinikilig ka.”

There are plans to submit movie version of Juan dela Cruz as a Metro Manila Film Fest entry. Pagkatapos makilala dahil sa ABS-CBN drama series na Walang Hanggan, isang bagong genre ang papasukin ng aktor na si Coco Martin: ang pagiging isang superhero sa Juan dela Cruz.

Pagkatapos makilala dahil sa ABS-CBN drama series na Walang Hanggan, isang bagong genre ang papasukin ng aktor na si Coco Martin: ang pagiging isang superhero sa Juan dela Cruz.

Sa bago niyang fantaserye ay makikita ng viewers si Coco bilang bagong superhero na si Juan dela Cruz.
Sa solo presscon ni Coco noong January 22 na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, buong saya na ibinahagi ni Coco ang tungkol sa kanyang karakter. Ani Coco, “Ako rito si Juan dela Cruz, isang makabagong superhero na kalaban ng mga aswang gamit ang latigo at espada panlaban sa kanila.”

Ikaw ba naniniwala ka sa aswang?

Coco: “Sabi nga nila sa bawat pagkatao ng tao meron tayong aswang sa ating katawan, ibig sabihin meron tayong good at bad side, kaya yun yung dilemma ng pagkatao ni Juan dela Cruz.”

Gusto mo ba talaga gumawa ng ganitong klaseng fantasy project?

Coco: “Bawat naman bata ay dumaan diyan, e, na nagsasabi na sana balang araw ay maging superhero ka. Di ba, nung mga bata tayo lagi tayong nanunuod ng Superman, Batman, di ba. Nung bata ako nanunuod ako ng Captain Barbell.”

Pinag aralan mo kung paano gumamit ng espada or latigo bilang mga sandata mo sa teleseryeng ito?

Coco: “Sa totoo lang po, wala talaga akong enough time para mag aral mag espada or latigo, kasi halos dire diretso kasi yung pag tata trabaho ko from Walang Hanggan, sinimulan na agad namin yung pelikula namin ni Julia [Montes] under Star Cinema.

“Inabot na siya ng taping ng Juan dela Cruz. Bilang artista, sabi ko bahala na i-acting ko na lang yan, i-motivate ko na lang yung sarili ko dun sa karakter. Kaya pag nakakarinig na ako ng ‘action’ parang nagkakaroon ng magic na nagagawa ko yung isang bagay na impossible. Kagaya nung napapanuod ng mga manunuod sa teaser ng Juan dela Cruz na kala nila na nag aral talaga ako humawak ng espada at latigo pero sa totoo lang, doon ko lang siya na practice nung sinu shoot namin yung teaser.”

Ibig sabihin ba nito at masasabi nating full blown action star ka na dahil sa teleserye mong ito?

Coco: “Hindi naman, kumbaga kahit ano namang role ang ibinibigay sa akin at naininiwala ako sa proyekto ay handa kong gawin at tulad nga ng sinasabi nila nasa action na ako at fantasy, nagpapasalamat ako, kasi nabigyan ako ng pagkakataon na magampanan yung mga ganitong klaseng role.”

Anong pagkakapareho ni Coco Martin at Juan dela Cruz in real life?

Coco: “Siguro yung strength nila pareho, yung kahit nagkakamali sila, pero meron silang pamilyang natatakbuhan para i-correct yung pagkakamali nila sa buhay.”

Anong masasabi mo na after mong makatrabaho si Erich Gonzales sa indie film na Noy several years ago, ngayon kasama mo na siya uli sa teleseryeng ito?

Coco: “Excited ako uli na makatrabaho siya, kasi para sa akin, isa siya sa mga maganda at magaling na artista ng ABS-CBN. Noong pinanood nga namin yung rushes kahit hindi pa kami ganun ka close, kapag magka eksena kami, nagkakaroon ng chemistry.
“Alam mo yun, minsan lang ako makakita ng ganun…kasi yung karakter niya rito suplada, medyo masungit…Si Erich kahit suplada sya sa karakter niya, ang ganda ganda niya, kasi babaeng babae sya. Di ba, may mga babaeng nasasapawan yung pagkalalaki mo kasi masyado malakas yung dating? Si Erich, pag tinitigan ka niya, doon ko nararamdaman bilang lalaki na kinikilig ka. Kaya sabi ko nga sobrang saya ko na naka trabaho ko siya uli.”
Không có mô tả ảnh.

Ikaw bilang superhero sa teleseryeng ito, may paborito ka rin bang superhero? Sino yung superhero na yun?

Coco: “Noong bata tayo, may mga paborito tayong superhero kasi sa bawat panuod mo kanila may natutunan tayo sa kanila bilang superhero. Pero nung lumalaki na ako, sa buhay ko naman, ang naging hero ko ay ang lola ko kasi honestly, kung ano ako ngayon ay dahil sa kanya ko nahugot na magsumikap, kahit nanggaling kami sa wala. Ang lola ko kahit Grade 6 lang yung tinapos nagsumikap siya, itinaguyod niya yung pamilya namin…yun nga yung natutunan ko sa kanya na hindi sa yaman yan, hindi sa talino, hindi kung saan yung pinagmulan mo. Basta alam mo kung paano magpursige, may pangarap ka at may kinakapitan kang Diyos, hindi ka niya ililigaw, e.”

Napag-alaman ng ilang press na itong Juan dela Cruz ay dapat ipapasok sa 2012 Metro Manila Film Festival pero pinull out ng ABS-CBN para gawing teleserye. Ito ang paliwanag ni Sir Deo Edrinal tungkol sa isyu na ito.

Business unit head Deo Endrinal: “Noong pinaplano po siya marami nang chapter ang ginawa ng mga creators, pinaplano sana siyang gawin bilang pelikula, kaya sinubmit siya sa screenplay for the 2012 Metro Manila Film Festival. Pero bago yung judgement nung actual na pelikulang mga kasali sa MMFF, pinull out namin siya dahil napag desisyunan ng ABS-CBN na lagyan ng mas maraming edge, it will be shown in television first. Then we’re planning to submit yung chapter 2 sa MMFF 2013 at si Coco pa rin ang bida. Kung papalaring tanggapin ng MMFF, that’s the plan.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News