Photo/s: @pmproductionsinc on Instagram
Umpisang lahad ni Barbie, “Ang hindi ko makakalimutan na ginawa namin sa Korea, actually, I like to add, kasama namin si Divine,” pagtukoy ni Barbie sa co-star nilang komedyanang si Divine Aucina.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Tatlo kami sa Korea, tatlo kami doon, sobrang saya! Kasi nalibot namin yung mga famous K-drama locations.
“Actually, yung wall na nilalakaran namin ni David dun sa ending nung trailer, ginamit siya sa isang famous K-drama na project.”
Humahalakhak na kuwento pa ni Barbie, “And ang pinaka-hindi ko makakalimutan doon ay yung eksena namin sa ano, yung tunnel, yung lamig na lamig ako.”
Binanggit din ni Barbie ang kaisa-isang rice cake na binigay sa kanya at pinagsaluhan nilang lahat.
“Kasi yung isa sa mga Korean producers namin dun sa Korea, binilhan kami ng Tteokbokki, binilhan kami ng rice cake, yung spicy Korean rice cake.
“Sobrang sarap! Tapos isa lang kasi yung binili niya kaya lahat kami nagkukumpulan kami, nakabilog kaming ganyan, iyon yung midnight snack namin.
“Sobrang saya kasi parang na-realize ko na ganun, eto pa lang yung unang proyektong pinagsamahan naming lahat, pero ganun na ka-tight yung bond namin.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Kahit out-of-the-country shoot parang, nagkaroon na agad ng family bonding within this production, within the film.”
Nakangiting wika pa ni Barbie, “So ang saya, ang saya ng buong Korean experience namin.”
DAVID LICAUCO ON BUWIS-BUHAY SCENE FOR THAT KIND OF LOVE
Bulalas naman ni David, “Pinaka-memorable, I think yung, actually lahat ng scenes memorable dahil yung mga locations na kung saan kami nag-shoot ay talagang mga, yung mga sikat doon.
”Yung mga very artistic, di ba?”
Dagdag pa ni David sabay baling sa katabing si Barbie, “Pero para sa akin pinaka-memorable yung nandun tayo sa crossing dahil romantic siya.
“Buwis-buhay saka maraming tao tapos malamig. Actually, super saya siya.”
Bakit buwis-buhay ang eksena nila sa isang crossing o kalye sa Seoul?
Sagot ni David, “Kasi parang sa scene, kailangan naming tumawid, e, may mga cars.”
Kailangan daw na i-timing nila na naka-red ang traffic light para makatawid sila.
“So one time nga sabi ko kay Barbie, ‘Halika na,’ e, biglang nag-green, sabi ko, ‘Uy sorry, sorry,’” at natawa ang binata.
Pagpapatuloy pa ni David, “And na-enjoy ko rin yung nagpunta kami ng Itaewon, yes nag-Itaewon kami, dahil super- an ako ng Itaewon Class na TV show, so ayun.”
Ang Itaewon Class ay sikat na Korean drama series noong 2020 na pinagbidahan ng popular na Korean actor na si Park Seo-joon.
DIVINE AUCINA ON MEMorable THAT kind of love shoot IN SOUTH KOREA
Nakakaaliw rin ang kuwento ni Divine tungkol sa kanilang South Korean escapade.
“Eto na nga po,” ang tumatawang umpisang hirit niya, “para kasing meron kaming call time na afternoon so naabutan kami ng lunchtime.
“Tapos kami nila Barbie naghahanap kami, ‘Saan ba tayo kakain?’
“Walking-walking kami, ‘Ayun bukas!’
“Enter kami, pasok, ‘Pa-order nga po ng ganito, tapos bigyan mo kami nito.’
“Mind you po, ha, 12 noon, lunchtime, first meal. Eto parang ang gandang pakinggan! Bigyan mo kami.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Intestine pala ng baboy! Sizzling, pulutan pala!
“Namulutan kami ng tanghalian. So iyon yung pinaka-memorable.
“Tapos nagulat kaming lahat kasi kumukulo yung mantika, talagang gumaganon, tapos nagulat kami. Nagulat kami, ‘Magla-lunch po kami sana, may biko po ba dito?’
“Walang biko, binigyan kami ng intestine.
“Tapos nilibre kami ni Barbie, ‘Thank you, Barbie!’
“Kaya memorable kasi hindi ako nagbayad, e.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng pres
sina Barbie, David, at Divine sa grand mediccon ng That Kind Of Love nitong June 20, 2024, Huwebes, sa Plaza Ibarra sa Timog, Quezon City.
Mula sa Pocket Media Productions, Inc. at Pocket Media Films, nasa cast din sa pelikula sina Arlene Muhlach, Al Tantay, Kaila Estrada, at Ivan Carapiet, sa direksiyon ni Catherine Camarillo.
Showing ito sa mga sinehan simula July 10.