Sweet at masaya ang reel-and-real-life couple na sina Kathryn Bernardo, 23, at Daniel Padilla, 24, sa kanilang bakasyon sa Iceland.

Ito ay base sa isang Instagram post ng fan club nilang KathNiel KaDreamers World ngayong Sabado, September 28, na kuha habang sila ay nasa Blue Lagoon.

Sa unang picture din na pinost ng fan club ay makikitang naka-kiss si Daniel sa cheek ni Kathryn.

 

Noong September 26, lumipad patungong Iceland sina Kathryn at Daniel para magbakasyon nang dalawang linggo.

Sa panayam kay Kathryn ng PEP Troika noong September 12, sinabi ni Kathryn na matagal na raw nilang ipinaalam ni Daniel sa ABS-CBN ang planong magbakasyon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pumunta ng Iceland ang dalawa.

Noong 2016 ay nag-photoshoot sina Kathryn at Daniel sa Iceland para sa isang magazine cover.