Sa kabila ng pakiusap ni Kim Chiu kay Xian Lim na itigil na ang pagbibigay ng detalye sa naganap nilang paghihiwalay ay nagpatuloy pa rin ang Kapuso actor-director na si Xian sa pag-uusap tungkol sa nakaraan niyang relasyon sa Kapamilya actress.
Matatandaan na sa naging panayam kay Kim Chiu bago ang pagpunta nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Dubai, ay iginiit ng aktres na nais niyang manahimik na lamang sa isyu ng hiwalayan nila ni Xian Lim noong nakaraang taon.
Ayon kay Kim Chiu nais niyang mag-umpisa ng panibagong chapter at patahimikin na lamang ang nakaraan nila ni Xian Lim at hiniling na irespeto na lamang nila ang isa’t-isa alang-alang sa kanilang mga pinagdaanan.
Subalit, sa kabila nito ay patuloy pa rin na naglalabas ng mga pahayag si Xian Lim at hayagang sinasagot ang mga katanungan sa kanya kaugnay sa naging paghihiwalay nila ni Kim Chiu noong nakaraang taon.
Sa panayam kay Boy Abunda, ibinunyag ni Xian Lim na hindi pa niya nakakausap si Kim simula noong breakup nila last year.
Subalit, nilinaw niya na mapayapa ang kanilang breakup at naghiwalay sila bilang isang magkaibigan.
“Kasi Tito Boy, to be completely honest ever since we went our separate ways, Hindi pa po kami nakakapag-usap. But we of course, when that night happened, maayos ‘yung pag-uusap namin. Of course, mayroong iyakan but there was that assurance na we went through 12 years of our existence, it has that respect,” saad ni Xian Lim.
“To be completely honest I wasn’t the one engaged in the separation, ‘yun lang po siya, it’s that simple. I know they’re saying na…. I wasn’t the one who initiated the breakup,” pagdidiin ni Xian Lim.
Very proud ding ipinahayag ni Xian Lim na hindi siya kailanman na nagloko sa 12 years relationship nila ni Kim Chiu taliwas sa mga ibinabato sa kanya ng maraming fans ng aktres.
“Nag-usap kami privately. Hindi na kailangan himayin kung sino ang nag-kulang. I think the length speaks for itself, and ‘yung pambabatikos sa akin ng karamihan, I think they should look at it from us … For more than a decade, I never had any … My record is clean, and I am proud of that,” pahayag ni Xian Lim.
Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Kim Chiu patungkol sa hindi pakikinig ni Xian Lim sa kanyang pakiusap na manahimik na sa isyu ng kanilang paghihiwalay at irespeto ang isa’t-isa.
News
JM UMAMIN KAY KUYA NG NARARAMDAMAN NIYA TUNGKOL KAY FYANG, FYANG EMOSYONAL
Sa pinakabagong episode ng Pinoy Big Brother, nagkaroon ng emosyonal na tagpo sa pagitan nina JM at Fyang. Umamin si JM kay Kuya sa confession room tungkol sa nararamdaman niya para kay Fyang. Matagal nang napapansin ng mga housemates at…
Confirmed! Alden NANLILIGAW NA! kay Kathryn
Usap-usapan ngayon sa social media ang balitang nanliligaw na raw si Alden Richards kay Kathryn Bernardo! Maraming fans ang kilig na kilig sa ideyang ito, lalo na ang mga KathDen supporters na matagal nang naghihintay na makita ang dalawa sa…
NETIZENS NAPASIGAW🔴SA KICK OFF TOUR NINA KATHRYN BERNARDO, ALDEN RICHARDS, DANIEL PADILLA IYAK NA🔴
Hindi mapigilan ng mga netizens ang kanilang kasiyahan at emosyon sa kick-off tour ng tatlong malalaking pangalan sa industriya ng showbiz—Kathryn Bernardo, Alden Richards, at Daniel Padilla. Ang event na ito ay naging isa sa mga pinakaaabangang pagtitipon, at ayon…
Chloe San Jose naubos na raw ang perang napanalunan ni Kaloy
Mainit na usap-usapan ngayon ang balitang diumano’y naubos na ang perang napanalunan ng kilalang gymnast na si Carlos “Caloy” Yulo dahil sa kanyang kasintahan na si Chloe San Jose. Ayon sa ilang netizens, may mga kumakalat na tsismis na ginastos…
CARLOS YULO “CALOY” INIYAKAN-NG AMANG SI MARK ANDREW YULO DAHIL SA ISANG TANONG
Sa gitna ng kontrobersyal na isyu sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya, isang emosyonal na tagpo ang nasaksihan sa live stream ng ama ni Carlos, si Mark Andrew Yulo. Isang netizen ang nagtanong tungkol sa kalagayan ni…
Carlos Yulo Hindi Kinuhang Endorser Ng Jollibee? Matapos Ang Bantang Boycott
Hindi pa endorser ng isang sikat na fast food brand ang dalawang beses na Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Nagsimula ang kontrobersya nang magkaroon ng mga kritisismo mula sa ilang netizens, na akala ay isa na si Carlos…
End of content
No more pages to load