Carlos Yulo’s younger brother appeals to two-time gold medalist – D

Karl Eldrew Yulo (left) to brother Carlos (right): “I’m just, e, you know, nagtatampo lang na kailangan pa namin i-seek yung attention mo. Especially kapatid mo ako, hindi naman mataas pride ko. Nagalit din naman ako sa yo, pero temporary lang.” 

Viral ngayon ang online interview ng nakababatang kapatid ni Carlos Yulo, 24, na si Karl Jahrel Eldrew Yulo, 16, kaugnay ng hidwaan ng kanilang ina at ng Paris Olympics 2024 two-time gold medalist.

Carlos Yulo's younger brother Karl Jahrel Eldrew Yulo interview

Sa Facebook nitong nakaraang August 6, 2024, isang short Reel ang ibinahagi ng isang netizen tungkol sa saloobin ni Karl matapos maisapubliko ang sigalot ng kanyang kuya at ang ina nilang si Angelica Yulo.

Nabulgar ang hidwaan nina Carlos at inang si Angelica matapos makasungkit si Carlos ng ginto sa ongoing Paris Olympics 2024 dahil na rin sa social media posts ni Angelica Yulo.

Dito ay pinagmukha ng ina na ingrato at hindi mabait na anak si Carlos.

KARL ELDREW’S APPEAL TO KUYA CARLOS

Sa nasabing Reel, inihayag ni Karl ang kanyang pangungulila sa nakatatandang kapatid.

Base sa kanyang pahayag, nabawasan ang oras ni Carlos sa pamilya nito mula nang maging girlfriend ng atleta si Chloe San Jose.

Si Chloe ang itinuturong dahilan ni Karl sa paglayo ni Carlos at ng inang si Angelica. Ito naman ay pag-ulit niya sa sinabi ring dahilan ng ina nang una itong nag-post laban kay Chloe.

Bukod pa sa isyu ng girlfriend, naroon din ang isyu ng mag-ina na may kinalaman sa pera.

Mensahe ni Karl para sa kapatid, “Hindi naman namin pinipilit na bumalik, pero if ever na maisipan mo, is always free kami.

“Hindi kami lumalapit sa iyo kasi dahil nanalo ka.

“Gusto lang naman namin kayo maka-bond nang hindi namin sinasabi or hindi namin kailangan sabihin.

“Naisipan niyo, yung hindi pa namin kailangan ipagsabi sa inyo, parang nanghingi kaming lima [Carlos’ parents and siblings].

“Parang ganun, like, ‘Kuya, penge naman attention mo’, parang ganun.”

Ipinagtanggol din ni Karl ang ina nila kung nagtatampo ito sa panganay na anak.

Sana raw ay intindihin ito ni Carlos.

Aniya, “Babae kasi si Mama, Kuya, e, and alam mo naman kapag babae talaga matataas talaga ang pride.

“Kailangan talaga natin mag-adjust.

“Ayun talaga gawain ng lalaki is parang mag-adjust na lang and babaan na lang natin yung pride natin.

“Para tapos na ang gulo.”

 

KARL YULO: “I’M NOT MAD ABOUT IT.”

Ayon pa kay Karl, nais ng ina nilang magbigay naman ng atensiyon sa kanila ang kanyang kuya.

Saad niya, “Ang ayaw lang kasi ni Mama is yung kami lagi nalapit para sa attention niya, which is mali naman talaga.

“Siyempre dapat may kusa ka rin. I mean, I’m not mad about it.

“I’m just, e, you know, nagtatampo lang na kailangan pa namin i-seek yung attention mo.

“Especially kapatid mo ako, hindi naman mataas pride ko.

“Nagalit din naman ako sa yo, pero temporary lang.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News