Kathryn curious paano makipag-date kay Alden: Bahay agad?!
Kathryn curious paano makipag-date kay Alden: Bahay agad?!

AMINADO ang Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo na curious siya kung paano makipag-date ang Kapuso actor na si Alden Richards.

Sa kanilang guesting sa Rec•Create kung saan sumalang sila sa “Let’s Be Honest” game, natanong ang dalaga kung naiisip ba niya kung paano makipag-date ang kanyang ka-love team.

“Have you ever wondered what it would be like to go on a date with me?” tanong ni Alden kay Kathryn.

“Yeah, I think so. Parang nakaka-curious kung paano ka makipag-date,” sagot ng aktres pagkatapos ay pinindot na ni Alden ang laruang lie detector test.

Nakuryente naman si Kathryn kaya ang ibig sabihin ay nag-lie ito.

“De, Yung machine ‘yung may problema talaga,” sey naman ni Alden.

Depensa ni Kathryn, “Actually, I have no idea that’s why I’m curious. ‘Di ko alam kung paano siya makipag-date so I wonder [kung] romantic ba siya, medyo ano ba siya. Iba iba kasi ang style ng guys.”

“In dating, of course ‘yung getting to know stage, simple lang. Go to a nice restaurant, good food. Good food pa rin, ‘yun ang love language na I think is the best love language na pwede kong i-offer,” paliwanag ni Alden.

KathDen tuwang-tuwa sa achievement ng 'HLA': 'It's all worth it!'

Tinanong naman siya ni Kathryn kung makikipag-date ito ay saan niya unang dadalhin ang makaka-date.

“Bahay? Bahay niya or bahay ko. Depende,” sagot ni Alden.

read the Privacy Policy.

Tila nagulat naman si Kathryn sa sagot ni Tisoy.

“Go! Bahay agad?!” tumatawang sabi ng aktres.

“Shesh!” dagdag pa ni Kathryn.

mail address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What’s trending