Nagbigay pahayag at payo si Ogie Diaz patungkol sa pinakabagong pinag-uusapang naging pahayag ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Yulo.
Ogie Diaz, may payo kay Mark Yulo ukol sa bago nitong kontrobersyal na naging pahayag (Mark Andrew Yulo)Source: Facebook
Ito umano ay tungkol sa naging reaksyon ni Mark sa mga akusasyon ng publiko na umano’y ginagatasan lang ng kanilang pamilya si Carlos.
Ayon kay Ogie, kahit na ang pahayag ng ama ni Carlos Yulo ay maaaring naglalaman ng biro, mahalaga pa rin na maging maingat sa mga ganitong usapin, lalo na’t patuloy ang kakulangan ng komunikasyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya.
“Alam ko namang joke lang yun ng tatay ni Carlos Yulo pero sana, hinay-hinay lang din tayo. Alam ko naman na wala pa ring komunikasyon si Carlos at yung kanyang pamilya,” ani Ogie.
Nagbigay rin siya ng opinyon tungkol sa epekto ng relasyon ng magulang at anak, “Kahit pa magbangayan yan, mag-ina pa rin yan… ako naniniwala, dumidepende ang trato ng anak sa magulang, depende yan sa kung paano niya itrato at hubugin ang kanyang anak. Susuklian lang ‘yun ng anak.”
Ayon kay Diaz, ang pag-uugali ng anak sa kanyang mga magulang ay madalas na sumasalamin sa paraan ng pagpapalaki at pag-aalaga ng magulang sa kanya. Ito ay nagpapahiwatig na ang anumang hindi pagkakaunawaan ay maaaring maiwasan o maayos sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon at pag-unawa.
RR Enriquez, nag-react sa isyu ng Balay Dako, ang restaurant na hindi pinapasok ang Aspin na si Yoda
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanyang Ogie Diaz YouTube channel:
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba’t ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019. Sa natapos na Paris Olympics ngayong taon, dalawang gintong medalya ang naiuwi ni Carlos na mga panibagong karangalan para sa Pilipinas.
Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men’s Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.
Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano’y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos. Gayunpaman, hangad na marami na magkaayos parin silang mag-ina
News
‘Nangapa ulit kami’: Alden Richards, Kathryn Bernardo share story behind ‘Hello, Love, Again’ teaser
‘Nangapa ulit kami’: Alden Richards, Kathryn Bernardo share story behind ‘Hello, Love, Again’ teaser MANILA, Philippines — Alden Richards and Kathryn Bernardo admitted that they had to rediscover their “Hello, Love, Goodbye” characters when they did the…
Carlos Yulo’s father takes a swipe at Olympic gold medalist
Mark Andrew Yulo (left photo, with wife Angelica Yulo) takes a swipe at son Carlos Yulo (right photo, with girlfriend Chloe San Jose, right) over news about him wanting to learn other sports aside from gymnastics: “Dapat matuto siyang mag-sorry…
Mga kapatid ni Carlos Yulo, ipinahiwatig na close umano sila sa Kuya Caloy nila
Eldrew and Elaiza Yulo, the younger siblings of Carlos Yulo were interviewed on Bilyonaryo. Photo: Carlos Yulo (@c_edrielzxs) Source: Instagram In a 3-minute clip, the two siblings addressed some of the questions propounded by Atty. Karen Jimeno. The siblings noted…
Angelica Yulo, welcome sa pagsali sa Mrs. Philippines 2025, ani MPO President Erika Joy Santos
Angelica Poquiz Yulo, the mother of the sensational Pinoy Olympian Carlos Yulo, is welcome to join the beauty pageant Mrs. Philippines 2025. Photo: Angelica Yulo (FB @angelica.yulo) Source: Facebook No less than the President of the Mrs. Philippines Organization, Erika…
Manny Pacquiao’s amazing life story, from sleeping rough in Manila to becoming king of the ring and thought of as the future president of the Philippines
Manny Pacquiao’s amazing life story, from sleeping rough in Manila to becoming king of the ring and thought of as the future president of the Philippines WHEN Manny Pacquiao steps into the ring on Saturday in Las Vegas to fight…
Have Alden Richards and Kathryn Bernardo leveled up their relationship status?
Showbiz reporter and talent manager Ogie Diaz recently dropped a bombshell about the current status of Kathryn Bernardo and Alden Richards’ relationship. According to Ogie, sources have indicated that the two stars might already have a mutual understanding, often referred…
End of content
No more pages to load