Lito Lapid, hinihikayat si Coco Martin pumasok din sa pulitika

lito lapid coco martin

Senator Lito Lapid on Coco Martin: “Hindi naman natin maikakaila na napakayaman na ni Coco. Sa lahat ng artista, siya ang pinakamayaman. Sa aming lahat. Dahil kasi siya, napakasuwerte. Mas mahal siya ng Panginoon! Ahhh yon, siguro si Coco, gusto na ring lumagay sa tahimik. Pero siguro, dahil may career pa siyang inaalagaan kaya yun. Siguro gusto na ring magpakasal nung tao dahil may edad na rin, e.”
PHOTO/S: X (Twitter)

JERRY OLEA

Dahil kandidato muli sa pagka-senador si Lito Lapid sa darating na eleksyon, mawawala ang Primo character niya sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan at idinidirek ni Coco Martin.

Noon pa man ay may mga humihikayat na kay Coco na tumakbong senador, di ba?

Read: Lito Lapid on Lorna Tolentino: “Tuksuhan lang.”

Pagsisiwalat ni Senator Lito, “Noong Probinsyano pa, sinasabi ko na sa kanya yan. Sabi ko sa kanya, ‘Kung papasok ka ng pulitika, kung senador, napakagaan sa yo. Wala ka pang gastos sa kasikatan mo.’

“Kahit hanggang ngayon. ‘Ngayon, gusto mong humabol ngayon? Senador? Pasok ka,’ kako.

“Sabi ko, ‘Pinakamababa mong tatakbuhan, senador.’ Sa Vice-President, puwede rin siya, e, sa kasikatan niya ngayon.

“Sabi niya, ‘Wala po talaga akong planong magpulitika. Dito na lang muna ako. Ito naman ay pansamantala lang, kasikatan natin. Tulad mo,’ sabi sa akin.

“‘Tito, na yun, nung sumikat ka. Tito, sinasamantala ko habang sikat ako. Hindi permanente ito.’ “Kaya sabi niya, ‘Mag-iipon tayo.’”

Nakausap ng PEP Troika si Senator Lito sa annual Christmas lunch niya with the entertainment media noong Disyembre 11, 2024, Miyerkules, sa Max’s restaurant, Sct. Tuason St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

GORGY RULA

Noong nakaraang Hunyo ay nag-post sina Coco Martin at Julia Montes ng sweet moments nila sa Barcelona, Spain.

May litrato pa sila sa labas ng basilica na Sagrada Basilica. Nakasama nina Coco at Julia sa Spain ang mag-amang Senator Lito Lapid at TIEZA COO Mark Lapid.

Read: Julia Montes addresses sweet moments with Coco Martin in Spain

Coco Martin and Julia Montes vacation in Spain

Julia Montes and Coco Martin in Spain 
Photo/s: @cocomartin_ph Instagram

MARK LAPID DENIES COCO-JULIA WEDDING

Natsismis na nagpakasal doon sina Coco at Julia.

“Mas barkada si Mark. Mas barkada at magsing-edad sila. Siya sasagot,” sabi ni Senator Lito.

Totoo bang kinuhang ninong si Senator Lito sa kasal?

Sagot ni Mark, “Hindi ho totoo. Nagpunta lang kami sa activity doon sa simbahan because of the Filipino community.

“Yun lang, pasyal lang. Kain.”

Walang nangyaring kasalan?

“Wala po. Hindi ho totoo yon,” mabilis na tugon ni Mark.

Dagdag ni Senator Lito, “Maganda nga sana kay Coco dahil may edad na rin yan, e, di ba? Na lumagay na sa tahimik.

“E, hindi naman natin maikakaila na napakayaman na ni Coco. Sa lahat ng artista, siya ang pinakamayaman. Sa aming lahat.

“Dahil kasi siya, napakasuwerte. Mas mahal siya ng Panginoon! Ahhh yon, siguro si Coco, gusto na ring lumagay sa tahimik.

“Pero siguro, dahil may career pa siyang inaalagaan kaya yun. Siguro gusto na ring magpakasal nung tao dahil may edad na rin, e.”

CONTINUE READING BELOW ↓

Petisyon ni Vic Sotto laban kay Darryl Yap, aprubado | PEP Interviews

Read: PEP Most Influential 2024 Male TV Royalty: Coco Martin

NOEL FERRER

Si Mark Lapid, kinukuha bang best man sa kasal nina Coco Martin at Julia Montes?

Sey ni Mark, “Wala pa. I think yung amin more on yung, of course, yung trabaho, di ba?

“Minsan napapagkuwentuhan din kami ni Coco about yung hanggang kailan kaya ang hangganan nito, di ba?

“Kaya nga parang minsan, ang lumalabas din sa bibig niya, parang, ‘O, samantalahin na muna. Tulungan lahat ng kayang tulungan, puwede hanggang nandiyan pa.’ Di ba?

“Kasi, para at least, kapag dumating yung time na yun, marami kang natulungan na ibang tao.

“Baka sakali naman, pag umabot din siya dun, sabi nga niya, ‘Sana meron ding taong kamukha ko na tutulong din sa akin kapag dumating ako dun sa puntong yun. I’m sure maaalala naman ng mga tao.’

“Yun ang mga pinag-uusapan namin lagi minsan pag nasa set kami o kaya kamukha nun na nasa Spain kami.

“Isa yun sa mga pinag-uusapan namin… hindi po kasal. Yung mga yun ang pinag-uusapan lang namin.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News